I cursed Damon as my eyes were fixated on his handsome but roguish face. Nasa pagitan ako ng dalawang magkasalungat na bagay ㅡ yes or no. Sasama ba ako sa kanya at i-indyanin na lang si Aki? O tatanggihan ko siya upang makasama ko ang Boss ko? Kapag sumama ako sa kanya, ano na lang ang iisipin ni Aki? Ngunit kapag tumanggi naman ako, nararandaman kong may mangyayaring hindi maganda. I know Damon, although hindi pa naman niya ako sinasaktan, I know what he's capable of. Seeing the style of his smirks, baka kaya niyang manakit ng ibang tao.
The phone in my hand rang just before I could utter a word. It's Aki.
"Why don't you answer it?" Damon asked. Tinitingnan niya ako sa paraang para bang kapag gumawa ako ng bagay na hindi niya magugustuhan, ay malilintikan ako. Naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko ngayon.
Lumunok ako. Bahala na. Saka na lang ako magpapaliwanag kay Aki.
Sinwipe ko yung accept icon saka ko inilagay sa tainga ang phone ko.
"Boss? Sorry... hindi ako makakapunta diyan." Agad kong sabi kahit hindi ko pa naririnig ang boses nito sa kabilang linya.
"Bakit?" Tanong niya. His voice seemed to sound disappointed.
Huminga ako ng malalim. Nakaka-guilty ang ginagawa ko pero tungkulin kong protektahan si Aki laban sa kahit na kanino. Ayokong madamay pa siya sa problema namin ni Damon, kung may problema nga kami o kung sakaling magkakaroon pa lang. Kung totoong gusto pa ako ni Damon at kung determinado nga itong bawiin ako, ayokong isipin nitong karibal nito si Aki. Baka kung ano pa ang gawin nito sa kanya.
"May bisita kasi ako. Niyaya akong mag-lunch." Pagkasabing-pagkasabi ko niyon, namatay agad ang tawag. Hay. Na-disappoint ko na naman si Aki. Sana naman hindi ito makaapekto sa gumaganda nang mood niya.
"Good job, sweetheart. Ayokong nakikita kang may kasamang ibang lalaki." Damon possessively stated, with that kind of threatening smirk still on his face. Sino ba'ng tatanggi sa kanya kung nakakatakot ang ipinapakita niyang ekspresyon?
"One hour lang ang break ko kaya sa malapit lang tayo kumain." I articulated monotonously. Nawalan ako ng gana. Kinikilig pa ang dibdib ko kanina kasi makakasama ko sa lunch si Aki, pero napurnada naman.
Tinanggap ko na rin ang bouquet ni Damon. Tapos pati kamay niya inilalahad niya sa'kin.
"Hindi ko kailangan ng alalay." Mataray na saad ko. Nauna na akong naglakad upang hindi na siya mangulit. Naramdaman ko na lang na ngumisi na naman siya bago siya sumunod.
Mabait naman si Damon, sa akin. Pero hindi ko alam kung paano siya makisama sa ibang tao. Naging boyfriend ko siya noon ngunit hindi ko pa pala talaga siya kilala. Minahal ko siya noon ngunit hindi ko pa pala talaga alam ang totoo niyang pangalan. Hindi totoo si Damon Yoo. Code name niya lang iyon sa grupo niyang sindikato. Pinaganda iyong Demonyo kaya naging Damon Yoo. Isa siyang Chinoy na dealer at importer ng Drugs dito sa bansa mula China.
Ang totoo niyang pangalan ay Mar Lou.
Kaya ako nakipaghiwalay sa kanya noon dahil sa pangalan niyang pangalan ng panget.
Joke. Kaya ako nakipag-break ay dahil hindi pala siya tao... kundi isa siyang demonyo! He's the Top 3 Most Wanted Drug Lord in the Country. Kaya may 3 sa kanyang SWEETH3ART sa tuwing nagte-text siya sa'kin. Hindi ko alam kung paano ulit siyang nakapasok dito sa bansa gayong effective pa rin ang pagba-banned sa kanya ng Immigration. Paano siya nakapasok? Bakit hindi siya nahuli? Bakit nakakagala siya?
Napahinto ako sa mismong entrance ng building nang marinig ko ang pamilyar na tunog ng isang sasakyan. Humaharurot at nag-full brake sa tapat namin mismo ang Mustang ni Aki. Ang bilis naman niyang nakabalik. Lumabas siya doon at mabilis na inihagis ang remote key sa Valet tapos agad siyang umakyat at hinawakan ako sa may braso. Nabigla ako.
"You can't go anywhere." Sabi niya sa pagitan ng kanyang mga ngipin. His facial expression is as cold as ice pero may nakikita akong pakikiusap sa mga mata niya. I think he got back here as quickly as he could to prevent me from going somewhere with someone else. Ang haba ng buhok ko.
Humaba pa nang hawakan naman ni Damon ang isa ko pang kamay na nakahawak ng bulaklak. "We're going, Thea." Saad nito sa seryosong boses.
"If you go... you'll lose your job." Aki verbalized more serious, tho hindi ako naniniwalang magagawa niyang tanggalin ako sa trabaho. Pero naguguluhan talaga ako kung kanino ako sasama. Sh**! I'm in between two handsome fat-cats. Naiipit ako.
"Don't worry, sweetheart. Kaya kitang buhayin." Damon immediately stated. Kaya kitang buhayin your face! Marami lang naman siyang pera dahil sa mga ilegal niyang negosyo. Kung pera lang ang usapan, syempre si Aki na lang ang pipiliin ko, napakalaki ng Hallsan Corporation niya. But it's not that simple. Natatakot ako sa maaaring gawin ni Damon kapag pinili ko si Aki. Jusko!
"Thea..." Napatitig ako sa mga mata ni Aki. "May tiwala ka ba sa'kin?"
Bakit niya tinatanong yon? Hindi ba obvious? Boss ko siya kaya nasa kanya ang tiwala ko. Yung taong nakahawak ng isa ko pang kamay ang hindi ko pinagkakatiwalaan. Ayokong mapahamak si Aki nang dahil sa akin.
But as we locked gazes, napagtanto ko kung ano talaga ang ibig niyang sabihin. That I should trust him because he can protect himself... that... I should trust him because he... can protect me.
At habang naglalaro ang ideyang iyon sa aking isip, naramdaman ko na lang na binitawan ni Damon ang kamay ko...
Habang hinawakan naman ng mainit na kamay ni Aki ang pisngi ko, then his face went close, and he broke the space between us.
My Boss kissed me.
BINABASA MO ANG
Stone Cold ✔
Ficción GeneralAchilles Buenavista ('AKI' from His Naked Destiny) #wattys2018 Ranked 1 in #richboy Ranked 10 in #cold-hearted "Nang matuloy ang merging ng Hallsan at Vesta Corporations, saka naman nawala ang kasiyahan sa mukha ni Aki. Siya na nga ang pinakamakaman...