"Babawiin kita. Babawiin kita sa kahit na ano'ng paraan. Alam ko ang bawat galaw mo, Thea. Nasa Pilipinas na ako. Malaya ako. Malayang-malaya akong sundan ka."
Nanigas ako at hindi nakagalaw. Feeling ko, kapag gumalaw ako, may mangyayaring masama. Baka mamaya may sumabog o di naman kaya'y baka bigla na lang akong matumba sa sahig. Why do I feel so frightened right now? Hindi ako yung tipo ng taong nagpapatakot o nagpapadaig sa takot. Kinakaharap ko lahat, pero bakit... bakit may malaking pag-aalala sa loob ko?
Lalo na akong napraning nang mamatay ang tawag aat nakarinig ako ng yabag ng mga sapatos mula sa likuran. Papalapit ito sa'kin.
Huwag niyang sabihing hanggang dito sinusundan niya ako? Hindi yon maaari. Hindi nakakapasok sa building na ito ang mga sasakyang walang gate pass ng Hallsan Corp. But why do I feel worried? Why do I feel like a trouble is getting nearer and nearer?
This can't be happening! Bago pa man niya ako malapitan, didispatchahin ko na siya.
Tinantya ko ng mabuti ang tunog ng sapatos na papalapit. I will use a force. I clenched my fist tightly, at nung alam kong isang hakbang na lang ang layo nito sa'kin, umikot ako at mabilis na itinaas ang kanang kamao ko.
He quickly arched his head back to keep his face from getting punched. At nahuli niya ng maagap ang kamay ko.
"Aki?! ㅡ ah ㅡ Boss? Akala ko kung sino na." Binawi ko agad-agad ang kamay ko. Diyos ko! Muntik ko na siyang masuntok kundi lang siya nakailag. Saan ba kasi siya galing? Wala naman akong narinig na tunog ng sasakyan na kasunod ng sasakyan ko.
"Sa'n ka galing?" tumingin-tingin ako sa likod niya. Wala namang ibang tao dun. Wala ding kakaiba dun. Pero weird kasi bigla na lang siyang sumusulpot.
"Sa kotse ko. Natulog ako dun." Sagot niya. Buti naman sumagot siya. I get it. Ilang oras nga lang pala ang tulog niya kaninang madaling araw dahil ala-una na siyang nakauwi.
"Huh? Ba't sa kotse ka pa natulog?" Pagtataka ko. May sleeping quarter naman kasi sa 10th floor at kadalang gumagamit nun, mga Boss. Ay, sabagay, hindi naman pala convenient para sa CEO yung kwarto kasi baka may pumasok na ibang employee.
Hindi siya sumagot. Pero yung mga mata niya ㅡ parang pumikit at dumilat ng paslowmo ㅡ yung parang mga teleserye o pelikula ㅡ parang mas gumwapo siya sa paningin ko nang gawin niya yun. Tapos itinaas niya ang kanyang kanang kamay. Hahawakan sana yata niya ang ulo ko, kaso hindi niya itinuloy.
Hala! Ano kaya yun? Kinabahan akong bigla e. Mas kinabahan ako ngayon kesa kaninang kausap ko sa cellphone si EX.
"Tara na. You still have some things to finish." Pahayag niya tapos dumaan na siya sa tabi ko.
Ano'ng meron kay Aki ngayon? Parang nabawasan siya ng coldness. Aha! Itinaas ko ang hintuturo ko sa ere. Magandang pangitain ito! Kailangan ko pang mag-isip ng paraan upang tuluyan na siyang bumalik sa dati.
"Boss!" I blissfully and excitedly shouted as I turned around and followed him quickly. "Hintayin mo 'ko!!"
Hindi ako magsasawa sa kanya. Hindi ako magsasawang intindihin ang ugali niya hanggang sa bumalik ang dating Aki na kaibigan ko. Hindi ko gagawin ang Operation: Akitin si Aki, instead, I will search for that woman whom he'll fall in love with.
Dahil, ika nga nila, Love can heal all wounds.
Magiging ako si Kupido ㅡ babaeng Kupido ㅡㅡ
KUPIDA!!!
A day after, nagpatawag sila ng Board meeting. Ewan ko kung ano'ng agenda, basta pumasok na lang ako sa boardroom.
Everyone's present, lahat ng Board of Directors, ang COO, CMO, at ang CFO; ang Assistant ng Chairman and the Chairman himself. May tensyon na pagitan naming lahat. Mainit dito sa loob ng kwarto ㅡ hindi literal, pero nakakasakit sa ulo. Palagay ko, may mangyayaring hindi maganda ngayon.
I simply took a glance at Damian Diokno. Poor little oldman. Kung anuman ang binabalak niya ngayon, sisiguraduhin kong di siya magtatagumpay. May armas na ako laban sa kanya. Hinihintay ko lang na dumating iyon. Sana hindi iyon mahuli.
"Mr. Chairman..." yung pinakamatanda sa Board ang unang umimik. Napaayos ako ng upo sabay tingin kay Aki, tapos ibinaling ko din ang mga mata ko kay Mr. Venturina.
"Hindi sa kinokontra kita at kampi ako sa mga kasama ko, pero may punto ang mga opinion nila. Ikaw ang head ng kumpanyang ito, Achilles. Ikaw ang siyang dapat maging role model sa ating mga empleyado. But you're showing unprofessionalism. Kalat na kalat na ang balitang mahilig kang gumimik at mag-uwi ng babae. Dahil sa gawain mong yon, nakabuntis ka ng isang hamak na empleyado pa ng Hallsan. Ano sa tingin mo ang iisipin namin?"
I looked at Aki once again and I found out that he's throwing the usual expression ㅡ cold and numb. Parang di siya tinamaan sa mga binitawang linya ni Mr. Venturina.
"Paano ka pa namin igagalang kung ganyan ang ipinapakita mong ugali?"
"Tama. Ibang-iba pa rin ang pamamahala ng Lolo at Papa mo. Sana bumalik na lang si Zion Vincent sa kumapanya."
"Mmm. Mas prefer ko din kung isa talagang Hallsan ang Boss natin. Hindi ba't si Zion Vincent naman talaga ang dapat magmana ng kumpanyang ito?"
"Mr. Buenavista, we're very sorry but this Board wants you to step down from your position, or we'll fire you." Said Mr. Diokno. Siya talaga ㅡ nanggigigil na 'ko sa kanya e. Gusto yata talaga niyang mapasakamay ang Hallsan Corporation.
"Teka lang naman..." I stood up, stomping my palms on the table. Lahat sila ay surpresang napatingin sa'kin.
"Why do you fire a CEO just because of his lifestyle? Does it affect his performance when it comes to work? Does it? Sabihin niyo kung mali ako, pero tingin ko naman, sa ating lahat dito sa boardroom, hindi lang si Boss ang mahilig maglasing at mag-uwi ng babae?..."
"And so what if he's doing it?? Single siya. Bachelor siya. E yung iba?..." I pointed my glare at Damian Diokno, hindi na talaga ako nakapagpigil. Dumilim naman agad ang mukha niya.
"Yung iba nakatali na, pero nambababae pa rin. Kagalang-galang na pamilyadong tao pero may itinatago palang baho. Tell me, Mr. Diokno, hindi ba't mas unprofessional 'yon?"
BINABASA MO ANG
Stone Cold ✔
Aktuelle LiteraturAchilles Buenavista ('AKI' from His Naked Destiny) #wattys2018 Ranked 1 in #richboy Ranked 10 in #cold-hearted "Nang matuloy ang merging ng Hallsan at Vesta Corporations, saka naman nawala ang kasiyahan sa mukha ni Aki. Siya na nga ang pinakamakaman...