Chapter 55: Maawa ka sa katawan ko

6.5K 211 18
                                    

See how sexy Aki is... Siya 'yan, okay? ⬇⬇⬇
(Photo not mine 😊)

 Siya 'yan, okay? ⬇⬇⬇(Photo not mine 😊)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Chapter 55

"Ipinatawag mo raw ako, Boss?"

"How many times did I tell you to call me by my name?" Naningkit ang mga mata niya. Aba. Kinakaya-kaya na niya ako ngayon? Three days pa lang kaming mag-on. Three days pa lang niya akong girlfriend tapos sinusubukan na niya akong manipulahin. Hindi tama yon. Dapat siya ang 'under'.

"Boss. Nandito tayo sa opisina. Wag kang ganyan, baka tuluyan kong kalimutan na Boss kita at wala tayo sa loob ng office mo."

"Yun nga ang gusto kong mangyari." He sounded so formal yet he sounded so tease. Nanlaki ang mga mata ko.

"Wag mo kong landiin." Sabi ko. Subalit sa halip na pakinggan niya ako, tumayo siya mula sa kanyang swivel chair at lumapit sa'kin. Napasinghap ako nang hapitin niya ako sa bewang. Then he kissed my lips without an immediate notice. Nagulat ako dun kaya napanganga ako nang lumayo ang mukha niya.

"Next time, wag ka nang magsuot ng maiksing skirt. Wag ka na ring maglagay ng lipstick."

"Ehh?"

"Mmm."

Siya naman ngayon ang pinaningkitan ko ng mata. Napaka-demanding naman ng boyfriend na 'to. Kapag hindi ako naglagay ng lipstick, mukha na akong bangkay nun. Hindi pa naman pinkish ang labi ko, kundi pale. Demanding. Demanding. Hindi pwede 'to.

"Kung ayaw mong nagsusuot ako ng skirt at nagli-lipstick, mag-break na lang tayo."

Tumitig siya ng malalim sa mga mata ko. Malalim na malalim. Malamang kinikilatis niya kung seryoso ako o hindi. Naghintay ako ng sagot niya ngunit hinalikan lang niya ako ulit, this time, mas mapusok. Nagsimula na ring maglakbay ang mga mapangahas na kamay niya sa iba't ibang bahagi ng katawan ko. Ow. Naka-isa dalawa tatlo apat limang rounds kami kagabi ㅡ from dusk till dawn ㅡ, tapos hindi pa siya napapagod? Jusko!

Pero kahit na nagrereklamo ang isip ko, umaayon naman ang katawan at puso ko. Gosh. Maaadik yata ako sa kanya.

Natigilan siya at naghiwalay kami nang may marinig kaming pagkatok sa pintuan.

"Boss, naka-lock. Pabukas naman o. Boss!" Boses yun ni Philipp. Malamang ay may importanteng report o ipapapirma kay Aki.

"Istorbo." Aki uttered as his one hand messed with his hair, while the other is on his waist. Napasandal siya sa kanyang desk. Tumatawa naman akong naglakad papunta sa pinto upang buksan iyon.

"Ay, Ma'm Thea? Ahh... Nakaistorbo yata ako. Sorry po, mamaya na ㅡ" Hinawakan ko ang balikat ni Philipp at hinila na siya papasok. Lumabas na rin ako dahil wala naman talagang mahalagang sasabihin sa akin si Aki, kundi gusto lang talaga ako nitong makita.

oOo

Sunday, weeksary namin. Weeksary? Kailangan bang i-celebrate yun?

Oo. Dapat lang. Kasi kinaya naming tumagal ng isang linggo na hindi kami lang ang nakakaalam ng relasyon namin. Kudos sa amin ni Aki!

At dahil weeksary, kailangang ngang i-celebrate.

Sabay kaming umuwi dito sa Hallsan Empire kagabi sakay ng Mustang niya. Sa bahay ako natulog pero pagpatak ng alas syete, nangapit-bahay na kami ng kapatid ko. Maaga kasing umalis sina Papa at Mama dahil may flight sila patungong US. May sakit daw ang lola ko sa father's side. Gusto nga sana naming sumama ni Jenna kaso di ko pwedeng iwan ang trabaho ko, mas lalong hindi pwede si Jenna dahil in two weeks, graduation na niya.

Nagsimba yung mga bata kasama ang kapatid ko kaya kami na lang ni Aki ang naiwan. Nag-celebrate kami ng halos dalawang-oras sa kanyang kwarto ㅡ oo, sa KWARTO. Kung ano'ng mga nangyari, syempre amin na lang yun.

Right now, we're inside their grand kitchen. Sa halip na yung mga maids, kami ang naghahanda ng lunch kasi nga good mood kaming pareho. Masayang-masaya nga si Manang Lumina dahil bumalik na raw sa dati si Aki. Well, super agree ako do'n.

Nag-concentrate kami sa pagluluto. Habang nakasaing ang kanin, naghihiwa siya ng karne, ako naman ang sa mga gulay.

"Ngayon ka na lang ba ulit nagluto dito after 900 years?" Tanong ko sa kanya habang binabalatan ko ang carrots. Naka-tshirt siya ng puti tapos may suot siyang apron na kulay yellow. Wew. Ba't nga pala yellow? That's too unmasculine. Pero cool pa rin naman siya tingnan.

"900 years?" He glanced at me. Ibinaba niya ang hawak niyang kutsilyo at lumapit siya sa'kin. He grabbed me by the waist before kissing me.

Hmm... Looks like he can't get enough of me, huh? Binitawan ko ang hawak kong carrots at kutsilyo saka ko inilagay sa batok niya ang aking mga kamay. Who cares if there's a CCTV catching us? Mainggit silang kung sinumang nagbabantay sa security room.

Tumigil ako pero hindi naglayo ang aming mga mukha. "Kulang pa ba yung kanina? Huh, boyfriend? Maawa ka sa katawan ko." I murmured, smiling.

Mas idiniin niya ang katawan ko sa kanya at saka siya ngumisi. Jusko! Nakakalaglag ng panty yung ngiting yon!

"Ang ganda mo kasi." He softly whispered before kissing my lips again. Tumugon ako. Kahit maghapon at magdamag naming gawin 'to, hindi siguro ako magsasawa. Ang sarap-sarap kasi at ang hot pa ni Aki kahit yellow ang apron niya. Hehe.

Huminto kami nang maramdaman kong tila may nagmamasid sa'min.

Sabay kaming napatingin sa may entrance ng kitchen para lang makitang naroon ang limang taong tila ba nakakita ng multo. Walang nakaimik sa'min ni Aki. Wala ring agad na nagsalita sa mga kapatid niya at kapatid ko. But then Jenna bravely broke the silence.

"Psy, di ba may lovebirds ka? Tara, patingin ako."

"Tara sa pool area."

Magkakasunod silang umalis na para bang wala silang nasaksihan. Grabe. Hiyang-hiya ako.

=============
=============

HAPPY THREE THOUSAND LIKES!!!! 🎉🎉🎉 Jeongmal, jeongmal gomawoyo. ㅋㅋㅋ  I think I have the best readers. 😉

5 chapters to go.

~IBetYouKnowMe

Stone Cold ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon