Gusto ka daw niya, Thea.
Totoo ba ito? Natutulog ba ako at nananaginip? O nananaginip lang ako ng gising?
Nakaawang ang bibig ko, tulala ako, habang nakatitig sa gwapo at seryosong mukha niya. Baka naman nag-i-ilusyon lang ako.
Gusto ka daw niya, Thea!
O jusko, hindi! Hindi 'yun totoo. Hindi ako pwedeng magustuhan ni Aki dahil hindi ako isang Queen Elizabeth o Princess Camilla; hindi rin ako katulad niyang tagapagmana ng malaking kumpanya; isa lamang akong Juno Althea Villavicencio na anak ni Janus. Wala naman yatang espesyal sa'kin para magustuhan niya ako.
Pero kasasabi niya lang, Thea. Gusto ka niya. Gusto. ka. niya.!!!
S**t. Hihimatayin yata ako.
"Ahㅡeh..." Nahihilo na ako sa magkakahalong emosyon. Kung may gusto nga siya sa'kin, ba't niya agad sinabi? Diretsahan, walang paliguy-ligoy. Sana binigyan muna niya ako ng signal upang nakapag-ready naman ako ng kaunti. Binibigla niya ako e.
"S-Sandali lang, Aki ㅡ ahh ㅡ Kuya... ano... Boss... Sa ano lang ako ㅡ sa toilet." Punyeta ito, kapag hindi ako makapag-isip ng tama, hindi na rin ako makapagsalita ng maayos. Sumasabay pa yung dysmenorrhea ko, syet.
Tumango si Aki, pero napapansin kong worried ang mukha niya. Siguro namumutla na ako ngayon. Ramdam ko ring literal na nahihilo talaga ako. Nilalamig din ako sa hindi ko malamang dahilan. Nausog niya yata ako e. Sabi naman nila, may usog daw yung mga namatayan. Pwede, pwede.
Nanghihina akong tumayo.
"Thea...?"
Pagkatayong-pagkatayo ko, naging madilim na ang paligid.
When I woke up, the first thing I saw is the mischievous face of my father. Ngiting-ngiti siya ng nakakaasar.
"Gising na siya." Sabi niya. Nag-unahan namang lumapit sina Mama at ang kapatid ko. Dahil may IV na nakakabit sa'kin, alam ko na agad na nandito ako sa ospital.
"How's your feeling, anak? Nahihilo ka pa ba?" Mama asked me. Hindi naman siya mukhang worried. Pareho lang sila ni Papa. I wonder why they're all here, after wondering why Aki have to rush me to the hospital. Dinala na lang sana ako nito sa bahay, hindi naman yata delikado yung pagkakahimatay ko e.
"I'm fine. Baka pwede na akong lumabas?" Sabi ko while my eyes is searching for the last person I was with before I fell unconscious. Hindi ko ito nakikita, bumalik na siguro ito sa office.
"Bakit pa kasi kayo sumugod dito?" Tanong ko pa. Nasa Quezon sila tapos, biglang naparito sa Pasay. I know I'm still in Pasay cause I can see the tall buildings outside through the window. Pare-pareho lang din naman kaming may trabaho ngayong araw, at may klase din si Jenna. Alam ko ring ilang oras pa lang ang nakakalipas mula nang mawalan ako ng malay.
"Tinawagan kami ni Aki, ipinasundo na rin niya kami ng helicopter." Sagot ni Papa. No need na sana, hindi naman kritikal ang kondisyon ko.
"Actually, hindi naman talaga nag-alala si Papa." Napatingin ako sa kapatid kong isang dakilang madaldal. "Na-excite pa nga siya nung malaman niyang nahimatay ka e. Baka daw buntis ka na kaya ganun."
Parang baliw na tumawa yung lovebirds na parents namin. Tsk. Ewan ko ba kung ano'ng mga nasa isip nila.
"Papa naman, pa'no ako mabubuntis e wala naman akong asawa?" I said, interrupting their crazy sniggers.
"Nabuntis ko nga ang Mama mo nung hindi pa kami mag-asawa e." Sagot niya sabay tawa. Langyang Tatay talaga o.
"Huwag niyo kong itulad sa inyo. Kulang na lang kasi itulak niyo ko sa bangin." Pahayag ko habang nakatingin ng masama sa kanila. Ano'ng klase ng parents ang matutuwa pa sakaling mabuntis ang kanilang anak na hindi pa ikinakasal? Mga may saltik sila sa utak.
Papa: "Ano'ng itulak sa bangin? Grabe ka naman 'nak. Gusto ko lang na magkatuluyan kayo ni Aki, wala akong sinabing gusto kitang mamatay."
Ako: "Idiomatic expression, Papa. Yung itinutulak niyo ko kay Aki, pambubugaw na rin yon."
Papa: "Ayaw mo pa? Tiba-tiba ka na kay Aki. Hindi naman siya delikadong tao. In fact, he's the most influential businessman in the country. Saan ka pa ba, anak?"
"O gosh, nakapag-English si Papa. First time ever." Jenna interrupted, as she laughs. Napatawa din ako out-of-the-blue.
"Tinuruan ko yan." Sabi naman ni Mama.
Wala nang nakapagsalita ulit nang bumukas ang pinto at pumasok si Aki. Ngumiti na lang ng makahulugan si Papa sa akin. Hay. Nakakainis sila kaya inismiran ko.
"Ang sabi ho ng doktor, stressed lang si Thea. Pwede na siyang i-discharged." Aki informed while he's walking closer.
"Ganun ba?" Tumangu-tango si Papa. "Kung gano'n, aalis na kami. Ikaw na ang bahala sa Thea namin, Aki."
And in just a blink, nakaalis na agad yung tatlo. Ang bilis. Ni hindi sila nagpaalam sa'kin. Naging tahimik bigla ang kwarto kaya naman, nakaramdam ulit ako ng awkwardness na kagaya nung kanina sa restaurant.
"Ipina-log out na kita sa assistant mo, pwede ka nang umuwi para makapagpahinga ka." His voice is cold but the tone is so warm and gentle. O jusko! Bumabalik na yata yung dating Aki. O jusko!
Pero kahit na nagiging okay na siya, sariwa pa rin sa isip ko ang pag-aalala tungkol sa kanyang sinabi sa restaurant.
"Yung sinabi mo kanina ㅡ" I have to open it so that we both can clarify the real thing between us, sad to say, he cut my line in.
"Wag mo munang intindihin 'yon. Baka na-stressed ka din dahil sa sinabi ko. Anyway, I'm not demanding for an answer yet."
Yet. So darating ang araw na sasabihan o tatanungin niya ulit ako, at kakailanganin kong magbigay ng sagot? Hay. Nagkagulo na naman sa loob ko, may mga paru-paru na naman sa tiyan ko.
Jusko!
I guess I need to figure out what I really feel for Aki, ASAP.
BINABASA MO ANG
Stone Cold ✔
Tiểu Thuyết ChungAchilles Buenavista ('AKI' from His Naked Destiny) #wattys2018 Ranked 1 in #richboy Ranked 10 in #cold-hearted "Nang matuloy ang merging ng Hallsan at Vesta Corporations, saka naman nawala ang kasiyahan sa mukha ni Aki. Siya na nga ang pinakamakaman...