Chapter 6: Heart-stopping phenomena

8.3K 206 21
                                    

The CEO will die...

Sino'ng CEO ang papatayin nito?

As if they could lay a finger on Achilles Buenavista. As if! Kung may gusto mang pumatay sa kanya, matagal na sana siyang patay. Sila ang patayin ko e.

I started typing using my thumbs.

["Fu** u!"] Ganito lang naman ang isinend kong reply. Whoever this homo sapiens is, di ako natatakot sa kanya. Ako pa mismo ang magbabaon sa kanila sa kanilang huling hantungan.

Sampung segundo din siguro akong naghintay ng reply. Pero wala na akong natanggap. F**k them all! Baka isa ito sa mga Board of Directors ng Hallsan kaya dinadaan-daan lang nila sa pagtetext sa'kin. Hanggang salita lang naman sila e, kapag wala si Aki. Pero pag kaharap na nila ang Boss, nagmimistula silang mga maaamong tuta. Tsss...

Pagpasok ko sa living area, saka lang ulit nag-vibrate ang aking phone.

["Die."] is the only word. Are they thinking na masisindak nila ako sa text messages lang?

"Good evening, Ate. Matutulog na ako." Lumabas mula sa kusina si Ares ㅡ ah, si Eros ㅡ si Ares yata ㅡ basta isa sa mga kambal. May dala siyang isang baso ng gatas.

"Sige. Puntahan ko lang si Kuya mo. Good night." Sagot ko. Tuluyan nang nawala ang tungkol sa text sa utak ko. I kept my phone inside my pull-over's pocket.

"Sige po." He courteously responded. Wala na rin yung ibang mga kapatid niya dito sa labas. Baka nagsitulugan na sila o di naman kaya'y nagbabasa ng lessons o gumagawa ng assignments. Ito ang isa sa mga ikinabibilib ko sa mga kapatid ni Aki e. Even if they've lost the biggest parts of their family, they're still responsible in terms of their studies. These year consistent pa rin sila sa pagiging mga top students.

I climbed the stairs directly to Aki's bedroom. Unti-unti ko lang binuksan yung pinto sa pag-aakalang nasa loob siya at nagpapahinga na, but I found no one on the bed, nor in any corner of the room. Bukas din ang bathroom nito at hindi nakasindi ang ilaw doon. He's not here. Bumalik na kaya siya sa Maynila?

Kinuha ko ulit ang cellphone ko. Luckily, wala nang nagtext.

I called Aki's number. The moment I heard it rang on the other line, I also surprisingly heard his ringtone inside the room. Umiilaw ito sa ibabaw ng kanyang bedside table.

Oh, nandito naman pala yung phone niya. San kaya pumunta yun?

I went downstairs to find a maid. Nakita ko ang matandang Mayordoma na si Manang Lumina na binabantayan sa kitchen ang isa pang maid na nag-aayos ng mga babasaging baso.

"Good Evening ho, Manang Lumina. Alam niyo ba kung saan pumunta si Kuya Aki?" Diretsahang tanong ko. Almost 6 years ang pagitan namin ni Aki kaya tinatawag ko siyang Kuya dito. Lalo na tuwing may nakakarinig na matanda.

"Magandang gabi din, Iha. Bumaba si Ser Aki sa garahe may isang oras na ang nakakalipas." Sagot nito sa boses na halos hindi na marinig.

"Ah, sige po. Matulog na kayo, Manang."

"Sige, Iha." Tumangu-tango ang matanda bago ako lumabas sa kitchen. Sa gilid ng isang kwarto ako dumaan papunta sa hagdanan pababa sa underground garage. Natanong ko na kanina sa mga guards sa gate kung lumabas si Aki pero sabi nila ay hindi daw kaya nandito lang yun.

Naglakad-lakad ako habang hinahanap siya ng aking mga mata. Mabilis ko naman siyang natagpuang nakatayo sa gitna ng garage ㅡ sa gitna kung saan naka-preserved ang Chevrolet Camaro na yuping-yupi ang hood at bubungan. He's completely focused on staring at it with sadness and outrage in his deep black eyes.

Hanggang ngayon siguro sinisisi pa rin ang kanyang sarili sa pagkamatay ng kanyang parents. He said before that everything was his fault. Na kung hindi lang daw siya nag-set ng Out-of-town anniversary celebration para sa kanyang parents, hindi san sila nawala. Sinisisi niyang masyado ang sarili niya kaya hindi niya magawang ngumiti sa nakalipas na taon.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya hanggang sa isang dipa na lang ang pagitan namin. Nag-aalinlangan akong magsalita. Hindi ko kasi alam kung paano siya i-comfort lalo na sa tuwing mga ganitong pagkakataon.

Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga.

"Tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot kaya pumunta na ako dito. Ano'ng oras ka babalik sa Pasay bukas? Pwedeng sumabay ulit?" Ngumiti ako ng may pag-aalangan. Alanganin kasing sumagot siya. Masyadong nakatuon ang isip niya sa kanyang pinagmamasdan ㅡ o kaya sa pag-iisip ng tungkol sa kanyang parents.

Gusto ko siyang yakapin dahil yun lang ang alam kong klase ng pagko-comfort, but I don't know if he would want it. Paano kung itulak lang niya ako? E di napahiya pa ako.

Lumipas na ang isang minuto, pero wala akong nakuhang sagot. Sana nagmura na lang siya no? Mas masaya pa yun. Kaysa naman umaarte siyang parang wala siyang narinig. Nakaka-miss talaga yung dating Aki ㅡ yung Aki na masayahin; hindi naman madaldal pero masarap kausap; madaling napapatawa; higit sa lahat, mabait. Babalik pa kaya siya sa dati?

Napabuntung-hininga ako.

"Sige. Papahatid na lang siguro ako sa driver bukas. Good night."

Frustrated akong umikot at nagsimulang maglakad, ng mabagal lang baka-sakaling hahabol siya ng sagot.

Pero hindi mga salita ang humabol sa'kin kundi siya mismo.

I just felt warm arms with cold aura wrapping around my shoulders, and a hard chest pushing my back. He surprisingly embraced me! and this is a  heart-stopping phenomena.

Stone Cold ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon