Chapter 22: Nagugustuhan ko na ba siya?

7.1K 166 14
                                    

I suddenly realized na kalapastanganan pala yung ginawa kong pagyakap sa kanya. Agad kong inihiwalay ang mga kamay ko sa katawan niya at bahagyang lumayo. Pareho kaming mukhang nabigla sa nangyari. Tiningnan ko lang siya saglit tapos umikot na ako ng 90 degrees at simbilis ng takbo ng bullet train ang pag-enter ko ng pincode. Pumasok na ako agad-agad at dahil nataranta na ako, nakalimutan ko nang mag-good night ulit.

Sumandal ako sa pintuan nang maisara ko na ito, saka ako nag-sign of the Cross. Hindi ko kasi alam kung paano pakakalmahin ang malakas na pagtibok ng dibdib ko. Napahawak pa ako dito... Ang lakas kaya, parang hindi ako makahinga ng maayos. Ang lakas ng kabog nito, parang kakapusin na ako ng hininga.

Ano ba'ng nangyayari sa'kin? Hindi naman ako ganito dati kay Aki, a. I thought I was absolutely comfortable with him, but not. Magdidikit lang ang mga braso namin nang hindi sinasadya, parang nakukuryente na ako. I don't know why my body reacts this way.

Di kaya... may gusto ako kay Aki?

Napatingin ako sa corner ng room. May gusto ako sa kanya?

Napatingin ako sa living space. Nagugustuhan ko na ba siya?

Napatingin ako sa ceiling. ANSWER ME!

Then I beat my chest three times. Hindi. Kaibigan lang pa rin ang tingin ko sa kanya.

Pero kahit na gaano ko kumbinsihin ang sarili kong wala lang ito, hindi pa rin ako nakatulog ng maayos. Dilat na dilat nga ako hanggang alas tres ng madaling-araw. Kung hindi pa ako bumangon upang magtimpla at uminom ng gatas, hindi ko pa sana nakuha ang tulog ko.

E si Aki kaya? Nakatulog kaya siya ng maayos kagabi? Sana naman, oo.

Alas syete ng umaga nang saktong magising ako dahil sa ingay ng doorbell. Sino ba 'yon? Naulit pa ang tunog kaya, bumangon na ako. With my pajamas on, I got out of the room and opened the main door.

Aki is in front of the door wearing casual attire. Oh, sa'n naman kaya ang lakad nito?

"Sasabay ka ba?" Tanong niya. It's good to see that his facial expression today is not as so cold as before. Magandang simula ito ng araw.

Anyway... nung una nagtaka ako kung bakit ako sasabay sa kanya? Saan kami pupunta? But then I realized that it's weekend today, and I've promised my parents na uuwi ako.

"Hm? Uuwi ka?" I asked, mingling with a bit of surprise. Ngayon na lang yata ulit siya nagkusang umuwi? Because as far as I remember, kinailangan ko pa siyang pilitin at pagalitan para makauwi sa mga kapatid niya these last few months.

Tumango siya, na parang nag-aalangan.

"Pero kakagising ko lang kasi. Mahihintay mo ba ako?" Kung nakatulog lang sana ako ng maayos kagabi, hindi ako na-late ng gising. Bwisit kasing dibdib 'to.

"Sige."

Pinapasok ko na lang muna siya at pinaghintay sa living space. Binilisan ko na lang ang pagligo upang hindi siya mainip. After bathing, naglagay ako ng skin moisturizer, tsaka nagdamit ng fitted shirt at skinny jeans. Ginamit ko din yung perfume na bigay sa'kin ng Lola kong nasa San Francisco, California. I occasionally use this dahil gusto kong tipirin. Bukod kasi sa regalo to sa'kin, gustung-gusto ko din ang mabango nitong amoy. Ginagamit ko lang 'to tuwing dadalo ako sa mga okasyon o special events. Kung bakit ko 'to ginamit ngayon kahit normal lang naman na araw? Well... para maakit si Aki sa amoy ko.

When I finished preparing, lumabas na agad ako sa kwarto dala ang aking handbag.

"Tara!" I cheerfully exclaimed when I saw him on the couch. Hindi naman siya mukhang nainip kaya tingin ko okay lang naman siya.

We rode his Mustang. Itong sasakyan na talaga ang paborito niya simula nang mawasak yung pinakamamahal niyang Camaro dahil sa aksidente. Napakarami nilang sasakyan na sinimulang kolektahin ng Daddy niya noong binata pa ito, pero iilan lang ang nagagamit doon. Pina-auction na yata nila yung mga lumang units. Yung iba pa nga e pinaparentahan na lang ni Papa sa mga TV shows o kaya sa Movies. E kesa naman mabulok doon sa kanilang underground garage. Those cars are so expensive and plushy not to be displayed outside. Isa pa, kapag nakatengga lang kasi ang sasakyan, masisira din naman ang makina nito.

"Bakit gustung-gusto mo nitong Mustang?" Tanong ko kay Aki habang binabaybay namin ang maluwag na Expressway. "Bakit hindi yung Lamborghini? Yung Ferrari?" Maganda ang mga sports car na yun pero mas pinipili niya yung low-key. Ibig ba nitong sabihin, down-to-earth siya? Ayaw niyang masyadong ipakita ang pagiging classy at rich?

"Cause she bought this for me." He answered. Akala ko makikipag-usap na naman ako nito sa hangin e. Maganda talaga ang mood niya ngayon.

Then I realized, he used a pronoun on his sentence. "She? Who?" I asked straightaway, but later, biglang nag-pop up ang image ng Mommy niya sa utak ko. "Ahh... Okay..." Sabi ko na lang as I looked in front.

Talagang mahal na mahal niya ang kanyang Mommy.

Bigla niyang inihinto ang sasakyan kaya nagulat ako. Pero mas ikinagulat ko nang mapansin kong nasa eksaktong lugar kami kung saan din niya ako ibinaba nung nakaraan. Napatingin ako sa kanya, na may takot sa dibdib. May nasabi na naman ba akong mali?

Namatay yung engine. At habang hinihintay ko kung ano'ng sasabihin niya, in-start niya itong muli. Nag-start nga, pero namatay din ulit.

"Sh**!" He cursed. Lihim din akong napamura nung malaman ko kung ano'ng problema ng sasakyan.

"We ran out of gas." Sabi niya.

Stone Cold ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon