Mula sa parte ng Laguna, hanggang makarating kami sa bayan ng Lucena, hindi kami nakaupo. Sinungaling si Manong Kundoktor, ang sabi nito makakaupo kami pagdating ng Lipa dahil maraming bababa doon, pero iisang tao lang naman ang bumaba. Pero hindi ako nagreklamo. Kahit nakakangawit na, hindi ako nakaramdam ng pagkairita o inis sa kabila ng siksikan at init. Kahit na pinagpawisan na ang likod, okay lang. Dahil nakasama ko si Aki... dikit na dikit kami... yakap niya ang likod... hindi ko alam pero tuwang-tuwa lang ako sa nangyari.
Sa ngayon, nakarating na kami dito sa Lucban at nasa kani-kaniyang bahay na. Matutulog na sana muna ako habang wala pa sina Mama at Papa, pero pinaaok ako ng magaling kong kapatid dito sa kwarto. Dala-dala nito ang kanyang Laptop.
"Jen, pwede ba sa labas ka muna? Gusto kong matulog." Pagrereklamo ko nang simulan niya akong kulitin sa pamamagitan ng pagkukwento tungkol sa kanyang eskwela, sa kanyang mga kaklase, at sa kanyang ultimate crush daw na nagngangalang Mark Angelo.
"Ate naman. Once a week na nga lang tayo nagkakasama e." Sabi niya sabay pout ng nguso. Magaling siya sa ganoong make-face lalo na kapag gusto niyang magpalambing.
Sabagay, may point siya do'n. Once a week nga lang kung umuwi ako tapos inuubos ko pa yung oras ko sa pagkulong dito sa kwarto kaysa sa pakikipagbonding sa kanya. Nakaramdam agad ako ng guilt.
Mula sa pagkakahiga, bumangon ako at binigyan siya ng mas malaking space sa kama. Tumabi siya sa'kin. Pareho kaming sumandal sa headboard at pinanuod ko siya sa pagb-browse sa newsfeed ng kanyang Facebook account.
"Ay, Ate, ito si Mark!!" Ni-click niya ang isang profile picture. Nag-appear sa screen ang astig na mukha ng lalaking may makapal na kilay at may hikaw sa isang tainga. Medyo mahaba at makapal ang buhok nito ngunit nabagay iyon sa mukha nitong pang-rakista ang dating.
"Ang gwapo niya talaga!" Kinikilig na pahayag ng kapatid ko.
"Gwapo nga, e kung gago naman?" Isa kasi akong nega at dakilang KJ.
Jenna's eyes narrowed as she glanced at me. "Hmp! Actually tama ka. Maraming babae na daw ang umiyak dahil sa lalaking 'yan. Playboy kasi. Umasa naman silang mga tanga dahil gwapo siya at sikat. Member ng local rock band e." Mula sa kinikilig na gesture niya kanina, naging dismayado ang kanyang facial expression.
"E, ikaw Ate, successful na ba yung... Operation: Akitin si Aki?" Gamit ang kanyang dalawang daliri sa magkabilang mga kamay, nag-quote sign siya.
Napairap ako. Magkakampi talaga sila ni Papa pagdating sa pang-aasar sa'kin.
"Lumabas ka na nga. Labas na!"
"Ihh... ano nga? Nagkaka-developan na ba kayo?"
"Walang gano'n! Labas ka na sabi!" Tinulak ko na siya hanggang sa nagkusa siyang bumaba sa kama.
"Ha Ha. Defensive kang masyado! Halatang may feelings ka kay Kuya Aki."
"Hah?! Ano ba'ng sinasabi mo?" Nakakunot-noo kong tanong sabay hampas sa kanya ng unan, pero nakailag siya.
"Whooo... denying! Don't me, Ate. Ha Ha Ha!" Ayun tatawa-tawa siyang lumabas dala ang kanyang laptop. Nakakaasar talaga. Siya ang nagmana sa mga nakakapang-asar na ugali ng Tatay namin.
Yung Operation: Akitin si Aki... kagagawan talaga yun ni Papa! Kainis! At talagang inaasar ako ng sarili kong Ama dahil pagdating ng ika-sampu ng gabi, lumabas ako ng kwarto ko upang uminom sana ng tubig, nang makita ko siya sa living room. May hawak siyang brown folder.
"Thea, anak..." Aba, aba! Yung tono ng boses niya, akala mo kung sino'ng santo. Ganito si Papa sa tuwing may ipapagawa siya sa'kin ㅡ kalokohan man o seryoso ㅡ o kung may ipapakisuyo siya.
Humihikab akong lumapit sa kanya sa may couch na kanyang inuupuan. Sa mga oras na ito, malamang tulog na sina Mama at Jenna kaya mag-isa na lang si Papa dito sa living room.
"Papirmahan mo 'to kay Aki." Itinaas niya yung brown folder.
"Ngayon na?"
Kumunot ang noo ko nang tumango siya agad bilang sagot. Lakas-tama talaga tong si Papa e. Di ba niya nakikita yung maliit na kamay ng wall clock na nakaturo na sa lagpas ng 10? Gabing-gabi na upang mangapit-bahay pa ako.
"Ba't hinintay mo pang mag-alas dyes, Pa? Ipinahatid mo na lang sana sa maid o sa guard." Bakit kailangang ako pa?
"Dalhin mo na sa kanya 'to. Kailangan ko din 'to ng maaga bukas."
"Ano ba kasi yan?"
"Mga papeles ng Vesta Appliance."
Masama ang mukha kong nagkamot ng ulo, at masama ang loob kong gawin ang ipinapagawa niya, but I have no choice. He's still my father so I need to obey him.
Pairap kong kinuha ang folder mula sa kamay niya at padabog akong lumabas ng bahay kahit na nakasuot lang ako ng pares ng pajamas.
Pagdating ko sa kapitbahay, gising pa ang mga maids pero tulog na daw ang magkakapatid. Nagtuluy-tuloy ako sa kwarto ni Aki. I slowly opened his bedroom door nang hindi siya magising kung sakaling tulog na siya. Inside, I saw his room that's lighted by lampshade, and I saw him lying on his king-sized bed. Mukhang tulog na nga siya.
I decided not to wake him up, but instead of closing back the door, pumasok ako at parang pusang naglakad palapit sa kanya. Natagpuan ko nga siyang payapang natutulog ngayong nakalapit na ako.
Napakagat-labi ako nang matitigan ko ang kanyang labing bahagyang nakaawang. Syet, Thea, wala ka naman sigurong itim na balak. Pero meron, meron!
Tutal, tulog naman siya; at hindi na rin niya malalaman; at malaya kong magagawa; at mangyayari lang ito isang beses sa buhay ko, isasakatuparan ko na.
Lumunok ako at huminga ng malalim upang kumuha ng bwelo at lakas ng loob.
Then I swiftly bowed half of my body down, yet I carefully and slowly attacked his lips using my lips. Hinalikan ko siya. Ginalaw ko ang labi niya. Tinikman ko pa kabuuan ng kanyang bibig.
This presumptuous movement lasted for ten counts. Nang palagay ko'y sapat na iyon sa'kin at pwede na akong mamatay, tumigil na ako at dahan-dahan ding inilayo ang aking mukha sa kanya.
Hindi ko pa lubusang naitutuwid ang aking katawan nang makita kong dumilat si Aki.
Syet! Tamaan sana ako ng kidlat.
==============
==============Ngayon lang nakapag-UD. Sorry. Bumyahe kasi ako kanina para makasama sa pasko ang family. Tapos naging busy pa sa paghahanda. 😊
MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!! 🎉🎊🎅🎄🎁 THANK YOU for loving me and my stories. I LOVE YOU, ALL!!
~IBetYouKnowMe
BINABASA MO ANG
Stone Cold ✔
Ficción GeneralAchilles Buenavista ('AKI' from His Naked Destiny) #wattys2018 Ranked 1 in #richboy Ranked 10 in #cold-hearted "Nang matuloy ang merging ng Hallsan at Vesta Corporations, saka naman nawala ang kasiyahan sa mukha ni Aki. Siya na nga ang pinakamakaman...