Chapter 4

8.3K 219 3
                                    

Five years ago...

"Mga anak! Magsigising kayo!"

Agad na nagmulat ng mga mata ang dalawa anak na babae ni Julieta.

"Bakit po ina?"pupungas-pungas na saad ng panganay na anak.

" Mga anak makinig kayo..iligtas niyo ang inyo sarili..."

"Bakit po ina? Ano po nangyayari?"nag-aalala saad ng panganay na si Adeline.

Puno nang pagmamahal na hinaplos ng ina ang kanya dalawa anak na babae.

"Tandaan niyo mahal na mahal ko kayo!"

"Julieta! Lumabas kayo diyan! Mga mangkukulam!" sigaw ng isang galit na lalaki.

"Ano po yun ina?!"

"Sige na! Sa likod ng bahay kayo dumaan ng kapatid mo,mag-iingat kayo.."

"Paano po kayo ina?"

"Haharapin ko sila,ako lamang ang pakay nila..huwag kayo susunod sakin.."buo tapang na tugon nito sa anak.

"Ina!!"

Mahigpit na nagyakap ang mag kapatid. Nanginginig na sa takot ang kanya bunso kapatid na si Camille.

"Ate Adeline,ano po ba nangyayari?"naiiyak na nito saad.

Nilakasan niya ang loob para sa nakakabatang kapatid.

Alam niya kung ano nangyayari. Hindi madali sa kanila na hinuhusgahan ng mga tao. Ang pagtira nila sa gitna ng kagubatan ay hindi nila kagustuhan. Tinulak sila ng mga tao dahiL iniisip ng lahat ay isang magkukulam ang kanya ina.

God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon