"Ina...?"pukaw ni Zayne sa kanya ina.
Nakaharap ito sa may talon.
Ipinatong niya sa balikat ng ina ang suot niyang coat.
Kagagaling lang niya sa hearing na hawak niya kaso nang hindi nila nadatnan sa bahay nila ang ina agad na tinungo niya ang talon kung saan palagi nagpupunta ang ina.
"Anak,nakauwi na pala kayo.." untag nito sa kanya.
Tumabi siya sa kinatatayuan ng ina.
"Anak,pwede mo ba ko iakyat dun?"
Tinungo ng kanya mga mata ang kinaroroonan ng tinutukoy ng ina. Ang tree house ng kanya ama noon nandito pa ito. Ni Minsan hindi niya pinangahasan na akyatin iyun.
He sighed.
"Okay lang ba,anak?"may pakiusap nito saad.
" Sige ho,ina..."pagpayag niya.
Niyakap niya ang ina at walang kurap na tinungo nila ang tree house at nilundag niya ang paakyat dun habang yakap ng mahigpit ang kanya ina.
Lumangitngit ang kawayan na sahig na binabalot na ng mga ligaw na halaman nang makaapak sila dun.
Nanatili lang siya nakatayo sa gilid at pinagmamasdan ang kabuoan ng tree house.
Isang higaan na gawa din sa matibay na kawayan at kahoy. Maliit na lamesa parisukat na kahoy at isang upuan din na pinutol na kahoy at ginawang upuan. Nalalatagan na ang kabuoan ng mga halaman na gumagapang.
"Dito ang pahingahan ng iyong ama," untag ng ina habang abala sa pagtitig sa paligid.
Hindi siya kumibo. Tuwina lagi bukam-bibig ng ina ang kanila ama at ang magaganda nito nagawa sa kanilang ina.
Ayon sa kanya ina. Ang ama nila ang dahilan kung bakit nasa America ang kanila Tita Camille. Nakita na rin nila ang isa pang malapit na kaibigan ng kanila ama. Si Tita Fren na ngayon ay masaya na sa pamilya nito at isa nang matagumpay na negosyante.
Paborito nga niya ang ice coffee sa coffee shop nito. Ayon sa Tita Fren niya,iyun daw ang paborito ng kanya ama.
He sighed.
May bahagi ng puso niya na nasasabik sa kanya ama pero minsan mas pinangingibawan siya ng sama ng loob para rito.
Isang panginoon ng mga lobo?
Oo,dapat bilang panginoon ng mga lobo may sarili siya desisyon para piliin ang kanya pinakamamahal kaysa sa kapangyarihan.
Mas mahalaga rito ang kapangyarihan niya kaysa sa kanya ina..kaysa sa kanila.
Makasarili siya,iyun ang tingin niya sa kanya ama. Iyun at iyun pa rin ang magiging tingin niya sa ama hanggat hindi nila ito nakikita.
"Ina..halina kayo umuwi.." untag niya sa ina.
Ayaw niya nakikita malungkot ang ina..umaasa sa wala.
BINABASA MO ANG
God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)
WerewolfZei,ang panginoon ng mga lobo. Ang pagiging panginoon ng kanyang mundo;ang mundong-Colai ay napakalaking responsibilidad sa kanya. Ngunit ang maging kupido ng sampung panginoon na pinadala ng propesiya sa mundo ng mga tao Para sa kanyang-kanya itina...