Chapter 24

6.3K 163 0
                                    

He hold her hand tightly.

Masarap sa pakiramdam na hawak mo ang kamay ng isang babae na alam mo iniibig mo pero hindi naman maaari.

Agad na iwinaksi niya ang isipan iyun. Gusto niya sulitin ang mga araw niya na kasama niya ang dalaga.

Ang isang makapangyarihan damdamin na naramdaman ng mga prinsipe ngayon ay nararamdaman na rin niya.

Masuyo niya nginitian ang dalaga habang namamangha ito sa nakikita nito sa paligid.

Dinala niya ito sa lugar na hindi pa nito napupuntahan. Gaya ng pampublikong pasyalan. Inaya din niya ito manuod ng sine at mula simula at katapusan nakatitig lang siya sa dalaga habang ito naman ay titig na titig sa napili nitong panuorin.

Ngayon ay dinala niya ito sa coffee Shop ni Fren. Agad na namataan siya nito at nagsalubong ang kilay nito ng makita ang babae kasama niya.

Agad na lumapit ito sa kanila. Maraming costumer kaya may umuokupa na sa paborito niyang pwesto.

"Zei!"

Agad na nginitian niya si Fren. Kay Adeline ito nakatingin at nanlaki ang mga mata nito ng makita nito ang magkahugpo nila mga kamay.

Awang ang bibig na napatingin sa kanya si Fren. Nginisihan niya ito.

"Fren,.Adeline...Adeline,si Fren..my best of friend.." pagpapakilala niya sa dalawang babae.

Isang palakaibigan ngiti ang pinukol ni Adeline kay Fren.

"Kamusta..?"

"Mabuti naman,Adeline.." tugon naman ng kaibigan.

"Elder sister siya ni Camille.." aniya sabay kindat niya sa kaibigan.

"What?!" nanlaki ang mga mata nito.

Naningkit ang mga mata nito. Hinablot ang braso niya.

"Saglit lang ha,may sasabihin lang ako sa kanya.." paalam nito kay Adeline.

Nakangiti naman tumango si Adeline na may bahagya pagtataka.

"Sabihin mo nga,kailan ka pa nag girlfriend? Kainis ka pinagseselos mo lang ata ako eh.."

He chuckled. "Ahm,long story eh.." sagot na lang niya. Ayaw na niya palawakin ang relasyon nila ni Adeline sa ibang tao dahil alam niya na magtatapos din yun,may limitasyon.

Nanantiya sinipat siya nito at bumaling sa kinaroroonan ni Adeline. Ngumiti naman agad ito sa kaibigan na tinugon naman ng isang namamangha ngiti.

"Infairness,maganda siya..mukha siya angel,ang amo ng mukha niya.." puri nito kay Adeline.

"Salamat," pagngisi niya turan rito.

"Angelic face pala ang tipo mo sa babae kaya pala di mo ako like kasi ako pang friendly lang ang face.."

Tumatawa na inakbayan niya ito.

"Don't worry...may nakalaan para sayo..sigurado naman mas gwapo sakin yun,hmm?"

Bumuntong-hininga ito.

"Oo na,alam ko naman na hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo noh," anito.

He chuckled. Sinulyapan niya si Adeline at nakatitig ito sa kanila.

Masuyo niya ito nginitian at atubili naman ito gumanti ng ngiti sa kanya.

He sighed.

Kapag umibig ka daw may kaakibat na selos.

Is she jealous? Para kasi yun ang nakikita niya sa mga mata nito habang nakatingin sa kanila ni Fren. Pasimple niya inalis ang braso sa balikat ng kaibigan.

Nginisihan niya si Adeline at nagbaba naman ito ng mukha agad.

Sa palagay nga niya.

God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon