Chapter 3

9.2K 253 10
                                    

Imbes na katuwaan ang maramdaman ni Fren na ngayon ay may bago sa branch ng kanya Coffee shop along Manila ay pagkadismaya ang nangibabaw.

Katatapos lang ng cutting ribbon pero wala pa rin ang espesyal na bisita niya.

Pilit na ngiti tuloy ang pinupukol niya sa mga bumabati sa kanya.

She sighed. Wala na nga pag-asa na sila ang magkatuluyan pati ba naman sa friendship wala din ba forever?

Tanggap na nga niya na friendzone lang sila.

Napaismid siya.

"Ikaw lang ata hindi natutuwa sa araw na ito?"

Napasinghap siya ng makilala ang nagsalita iyun.

"Zei!"

Nginisihan siya nito. Ang gwapo ngisi na kahit sino maiinlove dun. Isa na siya dun.

"Congratulation!" anito.

Bigla nawala ang inis niya  ngayon dumating na ito saka lang siya natuwa sa nakalipas na mga oras na nagdaan.

"Bakit ngayon ka lang?" aniya na tila nobya lang ang asta.

Tumawa ito ng mahina.

"Pasensya na,mahal kong kaibigan...naligaw kasi ako.." anito sabay kamot sa likod ng ulo nito.

Mahal kong kaibigan. Pwede na yun atlis may mahal naman kasama.

Bahagya siya natawa.

Hindi ba ito taga-Manila?

"Sana tinawagan mo na lang ako para nasundo na lang kita.."

Ngumiti ito.

Bigla niya naalala na wala nga pala ito celpon. Ito na lang ata tao na walang celpon.

"Sana maisipan mo na bumili ng celpon.."

He chuckled. "May celpon bang sponge Bob?"

Napanganga siya. "Sponge Bob? Bakit sponge Bob?"

Ngumusi ito. "Siya ang nilalang na gusto ko makamtam.."

Hays,bakit ba ang cute na nga niya ang gwapo pa!

"Hindi ba pwede ako na lang yun?"pahaging  niya rito.

Tumawa ito at inakbayan siya.

"Masyado kang maganda para maging si Sponge Bob.."

Bigla ata nagkulay kamatis ang mukha niya sa papuri nito.

"Urgh,naiihi na ko sa kilig!"

Malakas ito natawa sa sinabi niya.

"Ikaw ang kaibigan na hangad ko para sakin..napapatawa mo ako lagi.."

"Ano ba yan! Gawin ba naman akong Clown!" kunwa'y hinanakit niya saad.

Tumatawa na tinapik-tapik nito ang ibabaw ng ulo niya.

"Masaya ako na nakilala kita,Mahal kong kaibigan.."

Matamis na nginitian na niya ito.

"Basta ako lang ang mahal mong kaibigan.."

"Hmm...sige na nga,"pagngisi nito.

She chuckled. Sobra-sobra na para sa kanya na maging malapit dito.

Hays,sana may isa pang Zei siya matagpuan.

Gwapo,cute at maginoo pa!

Please,Lord! Bigyan niyo pa ako ng isang Zei!

God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon