Napasinghap ang beinte y ocho añoz na si Adeline mula sa masama panaginip na iyun. Muli na naman siya dinalaw ng mapait na kapalaran iyun.
"Hija.."paglapit ng matandang lalaki na si Lolo Anding.
Ang matandang lalaki na nakapulot sa kanya noon sa pampang ng karagatan kung saan isa ito mangingisda limang taon na ang nakakalipas.
Umiiyak na yumakap siya kay Lolo Anding.
"Lolo Anding..napanaginipan ko sila muli!"
"Shh..tumahan ka na..ipagdasal mo lang na ligtas sila.." pag-alo nito sa kanya.
Limang taon na mula ng magkahiwa-hiwalay sila.
Labis ang pagdadasal na sana ay buhay pa rin ang mga ito.
"Saan ho kayo pupunta,Lolo Anding?"sita niya sa matandang lalaki habang kinakabit nito ang tali ng gulok sa beywang nito.
" Nauubusan na tayo ng kahoy,apo..kaya mangangahoy na muna ako sa gubat.."
"Ako na lang po,Lolo Anding! Magpahinga na lang po kayo dito..ako na po ang mangangahoy.."saad niya at kinalas ang nakabit na nito tali sa beywang nito.
"Pero baka mapano ka sa gubat,sasama na lang ako.."
"Hindi na,Lolo Anding..kaya ko na po mag-isa!" giit niya.
Mabilis na itinali niya sa kanya beywang ang tali ng gulok sa ibabaw ng suot niya lumang mahabang saya.
Nasa paanan ng bundok ang kanila bahay. Lumipat sila dito mula sa tabi ng dagat na dati tinirhan ni Lolo Anding sa kadahilanan na maraming lalaki ang nagtatangka na saktan siya sa kagustuhan na mapalapit ang mga ito sa kanya.
Nagpasya ang kanya Lolo Anding na lumipat sila at mabuti na lamang may lupain ang matanda sa may paanan ng bundok na pag-aari ng ninuno nito.
Walang pamilya si Lolo Anding. Maaga ito nabalo kasama ang kaniya unang anak na nasa sinapupunan pa ng mga panahon na inatake sa puso ang asawa ng matanda lalaki.
"Huwag po kayo mag-alala sakin,Lolo Anding..aagahan ko po ang uwi..." aniya.
Binitbit niya ang isang sako na paglalagyan niya ng makukuha kahoy. Sanay na siya sa simple buhay niya ito.
Ang naiba lang hindi na siya hinuhusgahan ng mga tao nakakakita sa kanya. Pero hindi lubos ang kanya kaligayahan dahiL sa pangungulila niya sa kanya ina at nakababatang kapatid.
Sana dumating na ang araw na magkikita-kita muli sila.
Tinungo na niya ang mapuno na kagubatan.
Sanay siya manirahan sa kagubatan buong buhay sila nanirahan noon sa gitna ng kagubatan dahil sa pagtataboy sa kanila ng mga tao sa paligid nila.
Isang simple manggagamot ang kanya ina pero bakit nila sinasabi mangkukulam ang kanila ina? Wala iyun katotohanan kung anak man sila ng demonyo disin sana hindi siya naniniwala sa Diyos.
Ang Diyos ang tangi lakas at ang kinakapitan niya para manatili matatag at malakas.
Hindi ako pababayaan ng Diyos. Balang araw tutuparin na niya ang hiling ko na makasama ko na muli ang aking pamilya.
Sa DREAME na po siya mababasa.
Visit CallmeAngge in DREAME.
BINABASA MO ANG
God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)
WerewolfZei,ang panginoon ng mga lobo. Ang pagiging panginoon ng kanyang mundo;ang mundong-Colai ay napakalaking responsibilidad sa kanya. Ngunit ang maging kupido ng sampung panginoon na pinadala ng propesiya sa mundo ng mga tao Para sa kanyang-kanya itina...