Chapter 44

6.4K 161 1
                                    

Napatigil sa pagchi-check ng mga test paper si Valerie ng marinig niya ang pag-uusap ng kanya ina at ng kambal niyang si Zayne.

Isa siyang guro sa pampublikong paaralan sa elementarya.

Naririnig niya mula sa kanya silid ang pag-uusap ng mga ito sa labas ng bahay dahil may angkin talas sila ng pakiramdam,paningin at pandinig ng kanya kambal hindi sila nahihirapan makaadjust sa kanila paligid.

Noong bata pa siya magpipitong taon nadiskubre niya ang kakaiba niya pagkatao.

Ipinaliwanag sa kanila ng kanya kambal ng kanila ina si Adeline ang tungkol doon. Noong nila naLaman na isang lahing lobo ang kanila ama..isang panginoon ng mga lobo.

Anak sila ng Maharlikang lobo. Ang kanila ama ay sinasamba ng mga lahing lobo.

Tulad ng kanya ina umaasa sila na makikita nila ito. Babalik ito para sa kanila. Sana balang-araw makita na nila ng kanya kambal ang kanila ama.

Batid niya ang tahimik na pangungulila ng kanya ina pero hindi nito iyun pinapakita sa kanila dahil ayaw lamang ng kanya ina na mapalayo ang loob nila sa ama.

She want to see him. Gusto niya maranasan magkaroon ng isang ama.

Kinababahala niya lang ay ang kanya kakambal na si Zayne.

Kilala niya ito. Mukha lamang ito playful pero iba ito kapag nagalit.

Ramdam niya ang sama ng loob nito sa kanila ama. Sobrang mahal na mahal ng kambal niya ang kanila ina.

Mama's boy ang kambal niya kaya hindi siya magugulat kung gaano ito naaapektuhan kapag may iniisip ang kanila ina. Na alam nila na ang kanila ama ang lagi laman ng isip ng kanila ina.

She sighed.

Gusto niya makita ang ina na ngumiti ng puno ng buhay.

Sana makita ka na namin ama.

"Zayne..." pukaw niya rito.

Hinablot niya ang sigarilyo nito sa daliri. Nauna ito sa bukana ng kagubatan. Lagi sila naghihintayan kapag pauwi na sila mula sa trabaho.

Bumuga ito ng hangin.

"Isang stick pa lang yun,okay?" untag nito nang makita ang paniningkit ng kanya mga mata rito.

"Dumadalas na yang paninigarilyo mo.." sita niya rito sa seryoso anyo.

He sighed.

"Nililibang ko lang ang sarili ko habang naghihintay sayo.." anito.

"Pwede naman na wag na tayo magsabay pauwi eh," aniya.

"Ayoko..hindi gugustuhin ni ina na hindi tayo magkasama umuwi.." mariin nito sagot.

She sighed. Kapag mama's boy nga naman.

"Alam ko yang iniisip mo,Val..ayaw ko lang pag-aalalahanin si ina..masyado na siya marami iniisip.." seryoso nito saad sabay nauna nang pumasok sa kagubatan.

Ayon sa kanila ina may harang daw ginawa ang kanila ama sa kagubatan kung saan nakatayo ang tirahan nila para protektahan iyun mula sa mga tao.

"Hindi ka dapat nagtatanim ng galit sa atin ama,Zayne.." untag niya rito.

Huminto ito sa paglalakad at nilingon siya.

"Pero binibigyan niya ko ng dahilan para magalit sa kanya.." mariin nito saad.

"Zayne..hindi naman ginusto ni ama na umalis siya at iwan si ina..."

"Sana hindi na lang niya hinayaan na mapaibig sa kanya si ina..pinapaasa lang niya si ina!"pagtaas ng tono nito saad.

Napatitig siya sa galit na kambal. Marahas ito napabuga ng hangin.

"Sorry..napagtaasan kita ng boses. Mabuti pa umuwi na tayo baka naghihintay na si ina satin.." kalmante na nito saad.

May pag-aalalang napatingin na lang siya sa kambal na naunang nang maglakad sa kanya.


God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon