Tatlong araw bago ang pag-alis niya sa mundo ng mga tao.
Masaya nila pinabaunan ng alaala si Camille bago ito lumipad patungong amerika para mag-aral ng medisina.
Iyak ito ng iyak hanggang sa makapasok ng airport pero nagpapakatatag para sa pangarap nito.
Pinagmasdan niya ang maamo mukha ni Adeline habang mahimbing ito natutulog sa kanya munting higaan.
Hinawi niya ang buhok na tumatabon sa mukha nito.
Nagpasya ito manatili sa kubo. Hindi siya mangangamba na mapahamak ito sa oras na umalis siya dahil nilagyan na niya ng harang ang lugar na tangi ang dalaga lamang ang makakaalam.
Pinatakan niya ng halik ang noo nito at nagmulat ito ng mga mata.
Nginitian niya ito.
"Magandang Umaga,mahal kong Adeline..." saad niya.
Isang masuyo ngiti ang tinugon nito sa kanya.
"Maganda umaga din,mahal na panginoon.."
Tumawa siya ng mahina.
Hinalikan niya ang bibig nito at agad na tumugon sa kanya halik.
Niyakap siya nito.
Sinubsob niya ang kanya mukha sa mainit nito balat sa leeg nito. Nilanghap niya ang mabango nitong natural na amoy.
"Mahal na mahal kita,Zei..." madamdamin nitong saad.
Mariin niya ipinikit ang mga mata.
Adeline...
Magkahawak-kamay na pumasok sila ni Adeline sa coffee shop ni Fren.
Agad naman sila nito sinalubong.
"Kainis! Bakit ngayon lang kayo uLit nagpakita sakin?! Ano? Iinvite niyo na ba ko sa kasal niyo?" tuloy-tuoy nito saad.
Pareho sila natawa ng mahina ni Adeline.
Umismid naman ang kaibigan.
"Sige ha? Kayo lang nagkakaintindihan niyan!"
Tumatawa na lumipat siya sa upuan nito at inakbayan ang kaibigan.
Hinayaan siya ni Adeline na gawin na ang pakay nila dito.
"Fren...may sasabihin ako.."
"Ano yun? Bakit bigla ata ako kinakabahan?" untag nito.
"Fren,aalis na ko.."
Nangunot ang nuo nito.
"Kayo?" baling nito kay Adeline.
Sabay sila umiling ni Adeline. Nalilitong na napabaling sa kanya muli ang kaibigan.
"I'm leaving..nandito ako para makapagpaalam sayo bago ako umalis.."
Nahalinhan ng lungkot ang pagkalito nito.
"Saan ang punta mo?"
"Sa isang magandang lugar..."
"Kailan ang balik mo? Iiwan mo si Adeline? Paano siya ? Iiwan mo siya?" sunod-sunod nito tanong.
Masuyo niya nginitian is Adeline na mataman na nakatitig sa kanya.
"Mamimiss kita!" maya-maya pagyakap ni Zei sa kaibigan.
"Kainis ka! Pafall ka tapos iiwan mo kami!" may inis na saad nito habang nakayakap sa kanya.
Tumatawa na niyakap na niya ang kaibigan habang nakatitig kay Adeline na masuyo na nakatitig sa kanila.
Isang malungkot na pagpapaalam mula sa mga tao na naging bahagi na ng buhay mo.
May halong lungkot ang ngiti na sumilay sa kanyang mga labi.
BINABASA MO ANG
God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)
WerewolfZei,ang panginoon ng mga lobo. Ang pagiging panginoon ng kanyang mundo;ang mundong-Colai ay napakalaking responsibilidad sa kanya. Ngunit ang maging kupido ng sampung panginoon na pinadala ng propesiya sa mundo ng mga tao Para sa kanyang-kanya itina...