Chapter 50
Namamangha pinagmasdan niya ang munting surpresa ng kanya anak na si Zayne. Ipinaalam nito ang tungkol sa surpresa ito bago ito pumasok sa trabaho.
Ginawan ng hagdanan ang tree house para makaakyat roon na ngayon ay malinis na muli at kunti pagkumpuni at pinalitan ang sahig ng bagong kahoy para matiyak na matibay ang sahig na aapakan niya.
Bakit kaya hindi naisip ni Zei gawin ito? Napangisi siya sa isipin iyun.
Agad na binalot ng lungkot at pangungulila ang kanya puso ng muli maalala ang ama ng kanya anak na kambal.
Kamusta na kaya siya?
She sighed. Pinatili niya ang ngiti sa kanya mga labi habang nakatingala sa tree house.
Natigilan siya ng makaulinigan niya ang yabag na umaapak sa mga tuyong dahon.
Wala ang kambal kaya sino naman ang nagmamay-ari ng yabag niyun.
Malakas ang kabog ng dibdib niya. Bigla niya naalala noong unang beses na naligaw siya sa lugar na ito. Nakarinig ng mga yabag at doon niya nakita ang isang lalaki na nakasakay sa kabayo.
Dumoble ang kabog ng kanya dibdib nang malapit na iyun.
Hindi siya makakilos. Sobrang napakapamilyar sa kanya ang eksena ito. Ang yabag.
Huminto ang yabag na iyun mula sa kanya likuran.
Halos hindi na siya makahinga sa lakas ng kabog ng kanya dibdib.
"Mahal kong Adeline..."
Mabilis na umagos ang mainit na mga luha sa kanya mga mata. Nanlalabo ang kanya mga mata dahiL sa pagluha at dahan-dahan niya nilingon ang nagsalita iyun.
Isang nakangisi lalaki na may kislap ng pananabik sa kulay brown nito mga mata ang sumalubong sa kanya.
"Mahal kong Adeline..."
"Z-Zei..." nanginginig ang mga labi saad niya.
"Ako nga,mahal kong Adeline..." masuyo nito saad at ibinuka ang mga braso para anyayahan siya lumapit dito at yakapin ito.
"Zei!!!"umiiyak na sinugod niya ng mahigpit na yakap ang lalaki.
" Adeline..."usal nito sa pangalan niya na may himig ng pangungulila.
"Z-Zei! B-bumalik ka!" lumuluha niya usal.
"Oo,mahal kong Adeline..."
Halos hindi niya bitawan ang lalaki. Ayaw niya ito pakawalan dahil ayaw niya matapos ang panaginip ito.
Ikinulong nito ang kanya mukha sa pagitan ng mga palad nito.
Kita niya na bahagya nanunubig ang mga mata nito.
"Sobra kong pinanabikan ang pagkikita natin muling ito.."
Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha niya.
Hindi siya makapaniwala na nararamdaman na niya muli ang init nito ang kamay nito at matitigan muli ang napakagwapo nito mukha na dalawaput-limang taon niya pinanabikan na makitang muli.
"Z-Zei..." tangi naiusal na lamang niya.
"Mahal na mahal kita,Adeline.."
Hindi na siya nakatugon ng sakupin na nito ang mga labi nito.
Isang masidhi at puno ng kasabikan na inangkin nila ang kanila mga labi.
Diyos ko,Maraming salamat po at pinakinggan niyo na ang aking kahilingan..piping pasasalamat niya sa isip.
BINABASA MO ANG
God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)
WerewolfZei,ang panginoon ng mga lobo. Ang pagiging panginoon ng kanyang mundo;ang mundong-Colai ay napakalaking responsibilidad sa kanya. Ngunit ang maging kupido ng sampung panginoon na pinadala ng propesiya sa mundo ng mga tao Para sa kanyang-kanya itina...