Chapter 18

6.3K 168 3
                                    

"Camille,ito si Fren...siya ang may-ari ng coffee shop na ito..and Fren,si Camille.."pagpapakilala niya sa dalawang babae.

"Hi,ikaw pala si Camille..." palakaibigan saad ng kaibigan sa dalaga.

"Kamusta..?" nahihiya saad ni Camille.

Ngayon nauunawaan na niya ang kung bakit ganun na lamang kailag sa ibang tao ang dalaga. Minsan na ito nahusgahan ng nasa paligid nito.

"Naikwento ka na sakin,ni Zei...huwag ka mahihiya ha,hindi naman ako nangangain ng tao eh," untag ni Fren.

Nakangiti na pinanuod niya lang ang dalawa.

"Salamat,"

"Anong gusto mo inumin? Mahilig ka ba sa kape?"

Mahiyain umiling ang dalaga.

"O sige,may iba kami offer na inumin dito pero kape pa din siya,wait lang ikukuha ko kayo,and your favorite ice coffee!" anito sabay baling sa kanya.

Kimi na ngumiti sa kanya ang dalaga.

Kaya pala magkamukha sila ngumiti.

"Ahm,Salamat,Kuya Zei...gusto ko siya,mabait at palakaibigan..." anito.

Nginitian niya ang dalaga. "Gusto ko lang magkaroon ka ng kaibigan bukod sa mga pusa.." aniya na binuntutan pa niya ng pagkindat.

Mahinhin ito tumawa ng mahina.

"Natutuwa ako makita ka na masaya,Camille .." untag niya rito.

"Masaya din po ako na nakilala ko kayo,Kuya Zei...para ko na rin naranasan na magkaroon ng nakakatandang kapatid sa katauhan niyo.."

"Pagkatapos natin dito may pupuntahan tayo.." nakangiti niya saad.

Nakangiti tumango ito.

May halo pagtataka na nakasunod lang siya kay Kuya Zei. Mabato at lubak-lubak ang dinadanaan nila sakay ng isang nirentahan taxi.

"Manong,dito na lang po.." saad ni Kuya Zei.

Sabay sila bumaba at nilibot niya ang paningin sa paligid. Puro puno ang naroroon nasa gilid sila ng walang tao dumadaan.

"Salamat,Manong! Ingat po sa pagmamaneho!"pagkaway nito sa taxi driver.

Napabaling siya rito at nakangiti na humarap ito sa kanya.

" Sanay ka bang maglakad-lakad?"

"Nasaan po ba tayo,Kuya Zei?" nagtataka niya saad.

"Basta! Surprise ko 'to!"nakangisi nito saad.

Napakamot na lang siya sa ulo. Alam niya hindi siya mapapahamak hanggat kasama niya ito.

Sumunod na siya rito na nauna ng pumasok sa isang bahagi na puro puno.

Ano naman kaya surprise niya? Bakit kaya dito pa sa may gubat?

God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon