Yakap siya ni Zei mula sa kanyang likuran habang hinihintay nila ang paglubog ng araw mula sa itaas ng puno.
Nakakalula pero hindi naging imposible kay Zei na iakyat siya doon ng walang kahirap-hirap.
Kinalas niya ang isang braso nito na nakayakap sa kanya at ibinuhol niya sa pulsuhan nito ang isang porselas na gawa sa tali na kulay brown. Mula sa gitna niyun may nakakabit na manipis na kahoy at nakaukit ang pangalan niya roon.
Itinaas nito ang kamay at pinagmasdan iyun ng binata. Itinaas din niya ang isang braso kung saan nakasuot din ang katulad sa binata at nakaukit naman roon ang pangalan nito.
"Naisip ko bumili nito para kahit...kahit nasa mundo ka na ninyo maalala mo pa rin ako..wag mo tatanggalin ha.." lingon niya sa binata.
Hinaplos nito ang pisngi niya.
"Hinding-hindi ko ito tatanggalin kahit kailan..." masuyo nito saad.
Gumuhit ang lungkot sa kanya mukha. Ilang oras na lang ang pananatili ng binata sa tabi niya.
Bukas hindi na niya ito makakasama pa kahit kailan.
Sinakop nito ang kanya bibig at sa pamamagitan niyun maibsan nito ang lungkot na nararamdaman niya.
"Mahal na mahal kita,Zei..."
"Mahal na mahal din,Adeline.."
Muli nagtagpo ang kanila mga labi. Isang mainit na halik na hindi na nila matitikman pa sa mga susunod na araw.
Nagtataka kinuha ni Adeline ang inaabot nito baso na may kulay ginto likido.
Namamangha na pinagmasdan niya iyun.
Nasa tree house na sila nagsalo sila sa isang masarap na hapunan.
"Ang ganda naman tingnan ang inumin ito.." bulalas niya.
"Mula yan sa aking templo.." aniya.
Napatingin sa kanya ang dalaga.
"Talaga? Pwede ko bang inumin?"
He chuckled. "Kinuha ko yan para talaga sayo,Adeline.."
Namamangha na pinagmasdan muli nito ang inumin.
Unti-unti niya ininom ang kulay gintong inumin.
Masarap yun at matamis.
Naubos niya ang laman ng baso.
"Ang sarap.."untag niya pagkaubos ng inumin.
Tumatawa na hinablot ng binata ang batok niya at mariin na siniil ng halik.
"Ang inumin iyan ay ang wala hanggan na buhay..."
Napasinghap ito sa sinabi niya.
"A-ano?"
Kinuha niya ang mga palad nito at sabay na hinalikan niya.
"Gusto ko na magkaroon ka ng walang hanggan na buhay.. "
"B-bakit? M-magkikita pa ba tayo?"puno ng pag-asa niya saad.
Isang masuyo na ngiti lamang ang tinugon nito.
Wala man ito sinagot alam niyang na umaasa din ito na magkikita silang muli.
Hinalikan niya ang binata ng puno ng pagmamahal.
Pinalalim niya ang halik hanggang sa mapadaing ito sa bibig niya.
"Pakiusap..gusto ko angkinin mo ako hanggang sa huling pagkakataon..." pagsusumamo niyang saad.
Isang mapusok na halik ang itinugon nito sa kanya.
Alam niya na matagal na ito nagpipigil. Lalaki pa rin ito at nararamdaman niya ang pangangailangan nitong iyun. Ngayon gabi ay ibibigay niya iyun sa lalaking iniibig niya.
BINABASA MO ANG
God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)
WerewolfZei,ang panginoon ng mga lobo. Ang pagiging panginoon ng kanyang mundo;ang mundong-Colai ay napakalaking responsibilidad sa kanya. Ngunit ang maging kupido ng sampung panginoon na pinadala ng propesiya sa mundo ng mga tao Para sa kanyang-kanya itina...