Chapter 27

6.3K 159 13
                                    

Labing-anim na araw na lang ang natitira sa araw ng binata bago ito umalis.

Habang nauubos ang araw niyun nararamdaman na niya ang lungkot at pangungulila sa binata kahit hindi pa man ito umaalis.

Minarkahan niya muli ang kalendaryo para sa umagang iyun.

Alam mo Adeline ,imbes na isipin mo ang taning ng araw na nalalabi na makakasama mo siya bakit hindi mo na lang samantalahin?

Para may mga masasaya alaala ka mula sa kanya. Suhestyon ng kanya isip.

Agad na natauhan ang dalaga roon.

Tama ,bakit hindi na lang iyun ang gawin niya kaysa magmukmok siya? Sabi nga nila kung nabibilang na ang araw mo sa mundo ito kailangan sulitin muna ang oras para wala pagsisisi sa huli.

Bago pa man sila makaalis ni Camille at Lolo Anding patungo sa kaingin para anihin ang mga okra at kamatis ay dumating si Zei.

"Tamang-tama pala ang dating ko.." nakangiti nito sabi at lumapit sa kanila.

"Kuya Zei!"

"Kamusta?" paghaplos nito sa buhok ng kapatid niya.

"Ito,okay naman..kamusta na po ang mga babies niyo?"

"Ayun,tulog pa sila na iniwan ko.."

Nakita niya na malaya naglalaro ang mga pusa sa kagubatan noong dinalhan niya ito ng meryenda.

"Oh,talaga bang tutulong ka samin sa pag-aani?"untag ng lolo Anding niya rito.

"Oho,Lolo Anding para may magbubuhat ng ani niyo.." nakangiti sagot ng binata rito.

"Kung ganun,halina kayo nang maaga tayo matapos.."

Agad na nginitian niya ito ng bumaling ito sa kanya. Magkasabay sila naglalakad .

Hinagip nito ang kamay niya at mahigpit na pinagsalikop nito ang mga daliri nila.

Nakangisi ang lalaki na sulyapan niya ito.

Natawa na lang siya ng mahina.

Hindi lingid sa kaalaman ng kanya kapatid ang pagiging malapit nila ni Zei. Lagi naman siya tinutukso nito noong una pa lang.

Si Lolo Anding naman tiyak nahahalata at hindi lamang umiimik.

May tiwala naman ito kay Zei kaya marahil hindi na ito kumikibo.

She sighed. Tama lang na samantalahin na lang ang mga oras na kasama niya ang binata habang nasa tabi niya ito.

God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon