Chapter 41

6.8K 182 5
                                    

"Sa tingin niyo,umiibig siya ngayon?" untag ni Ariel.

Nakabalik na sila sa kani-kanila mga distrito.

Hindi pa rin nila malubos maisip na si Zei ang kanilang panginoon.

Ang mukha isip batang iyun ay ang panginoon nila.

"Umiibig siya.." sabi ni Brikz.

"Ang isang bagay na nakakabit sa kanya kamay.. Nabubukod yun sa kulay-ginto na suot niya. Gawa iyun sa isang tali na nagmula pa sa mundo ng mga tao.."paliwanag nito.

"Tama,nakita ko nga yun.."segunda ni Yael.

"Kung ganun..nangyari na ang propesiya.." si Blaz.

"Sa tingin niyo isusuko niya ang pagiging panginoon niya para sa isang tao? Sa pag-ibig.." si Jamere.

"Nakakatuwa isipin,ang mga kabiyak natin ang nagsakripisyo para sa atin..kabaligtaran na mangyayari sa kanya..." si Oscar.

"Tama..at hindi yun madaling gawin.." si Russel.

Natahimik ng ilang sandali ang mga Prinsipe.

"Sa palagay niyo,may maitutulong tayo sa kanya? Malaki ang ginawa niya pagtulong sa atin lahat..." si Clyde.

Wala agad nakaimik.

"Hindi na tayo makakabalik pa sa mundo ng mga tao para sana kahit papaano matignan natin ang iniibig ng ating panginoon.." si Russel muli.

"Baka pwede natin pakiusapan ang mga Anda?"

"Ano ang idadahilan natin?" si Oscar.

"Ipaalam natin ang totoong dahilan.." si Yael.

"Pero labag ang ginawa natin pagpunta sa templo na wala pahintulot nila..hindi maganda idea na malaman pa nila dahiL sigurado aalamin nila kung sino ang ating panginoon..Isang kapangahasan muli iyun para sa panginoon natin na ipaalam sa kanila.." litanya ni Brikz.

Wala muli nakaimik.

"Sa palagay ko ang magagawa na lamang natin ay ang maghintay sa susunod na mangyayari sa kanila..." si Ariel.

"Tama..ang kapalaran ng ating Panginoon ay nakasulat na wala na tayo magagawa dun kundi maniwala na malalagpasan niya ito.." si Jamere.

"Hindi ko na pinangahasan na itanong kung kamusta na si Oste.." si Oscar.

"Yung sina luck din.." si Patrikk.

"Kinabahan nga ko habang nakatingin sa kanya,alam ko kayo din lahat.." nakagisi saad ni Ariel.

"Oo,mahal na prinsipe..marahil doble kabado sayo may banta ka pala sinabi sa kanya eh," si Dominekk.

Napangiwi na lang ito sa pagkapahiya.

"Naalala ko din na pinagbantaan ko din siya.." si Brikz.

Napailing na lang sila. Hindi naman nila aakalain na isa makapangyarihan lobo pala talaga si Zei.

Masuyo na humahaplos ang kanyang mga daliri sa porselas na gawa sa tali.

Sumilay ang ngiti na puno ng kalungkutan at pangungulila para sa iniibig niyang si Adeline.

Wala siyang ginawa kundi ang maalala ang mga araw na kapiling niya ang dalaga.

Inabot niya ang isang malapad na kulay gintong papel. Nakaukit doon ang maganda at maamong mukha ni Adeline gamit ang itim na tinta.

Hinaplos niya ang nakaguhit na mukha ni Adeline.

"Pangako,magkikita muli tayo,Adeline..." usal niya habang nakatitig roon.

God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon