Pagbisita

6.5K 174 8
                                    

Chapter Fourthy-Six

Suot ang kulay gintong baluti ay tinungo ni Zei ang kalupaan.

Agad na sumilay ang ngisi sa kanya mga labi nang makita ang kapayapaan ng bawat distrito.

Napukaw siya mula sa pagmamasid sa kapaligiran ng may presensya ng isang lobo ang sumulpot sa kanya likuran agad na nilingon niya iyun.

"Sino ka?" sita nito sa kanya,isang batang babae na may magandang buhok na kasingputi ng nyebe.

Nginitian niya ito at bahagya yumukod nang makita niya ang kulay puting kasuotan nito.

"Kamusta? Ang anak ng mahal na Prinsipe.." aniya.

Nakakunot ang nito tinitigan siya. Mukha itong mahiyain pero makikita sa mga mata nito ang pagiging matapang nitong lobo.

"Maaari malamang kung ano pakay niyo rito sa aming distrito?" tanong nito.

"Bumibisita lamang..at natutuwa ako na payapa ang inyong distrito.."

Lalo lumalim ang kunot nito sa noo. Pinagmasdan nito ang kabuoan niya at binigyan niya ito ng palakaibigan na ngiti.

"Sa palagay ko kilala kayo ng aking ama..?" usal nito na may pagtataka sa mukha.

"Sa palagay ko nga.."nakangisi niya sagot.

"Kung nais mo makita ang aking ama,maaari bang malaman ang inyong pangalan?"

Humakbang siya palapit dito.

Huminto siya sa harapan nito.

"Kinagagalak ko makilala ang anak ng prinsipe ng mga puting lobo...Zei ang aking pangalan.."

Bigla nagbago ang ekspresyon nito mula sa seryoso mukha. Nahalinhan iyun ng pamilyaridad.

"Kayo po si Zei? Ang butihing kaibigan ng aking mga magulang!"hindi makapaniwala saad nito.

Nakangisi na tumango siya rito.

Yumukod ito bilang paggalang.

"Patawarin niyo sana ako,hindi ko kayo agad nakilala.."untag nito sabay nahihiyang hindi ito makatingin sa kanya.

Nakangiti na tinapik-tapik niya ang ibabaw ng ulo nito. Hinawi naman nito ang ilang hibla ng buhok nito na tumatakip sa maganda nitong mukha. Lalaking isang napakagandang prinsesa ang dilag na ito.

" Ayos lang...pwede mo ba kong samahan sa iyong mga magulang?"

"Masusunod po!"buo paggalang at nahihiya nitong turan.

Bahagya siya natawa sa bigla pagkataranta nito.

Mukha naikuwento siya ng mag-asawa sa anak nitong babae.

Nakangiti na pinagmasdan niya ang mag-anak na malugod siya sinalubong at binati.

" Natutuwa ako na makita kayo,mahal na prinsesa.."untag niya sa kabiyak ng prinsipe na si Ereka.

Ang sweet and shy na si Ereka.

"Labis din po ang katuwaan ko na makita ka muli,Zei.."

Nahagip ng mga mata niya ang pagngiwi ng prinsipe. Nginisihan naman niya ang prinsipe. Alam niya nag-alala ito sa klase ng pagtugon ng asawa nito sa kanya.

"Isa akong mandirigma ngayon kaya mapanatag ka.." saad niya sa kanya isip para sa prinsipe.

Napatingin sa kanya ang nagtataka anak ng prinsipe at sa ama nito.

"Isang karangalan na mabisita niyo,mahal namin kaibigan.." untag ng prinsipe na may pag-aatubili na banggitin ang huLing salita.

Nginisihan niya ang prinsipe.

"Bibisitahin ko ang lahat na distrito...dahil may nais ako ibigay sa inyo mag-asawa.." aniya.

Nagtataka napatingin sa kanya ang prinsipe.

"Pinapabatid ng mahal na panginoon ang tungkol sa trono ng mga Hari At Reyna.."

Nasaksihan niya ang pagkabigla ng mag-asawa sa sinabi niya iyun.

"Oras na raw para ibigay sa inyo ang nararapat para sa inyo.." nakangisi niya saad.

"Hindi kapani-paniwala balita iyun mula sa mahal na panginoon ng mga lobo.." maang na saad ng prinsipe.

Isang ngisi lang ang pinukol niya sa mga ito.

May siyam na distrito pa siya bibisitahin.

God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon