Pilit niya isinasantabi ang hiya at kaba habang tinatahak niya ang gubat patungo siya pahingahan ni Zei.
Kinabisado niya ang lugar na ito habang hinahatid siya nito pauwi noong nakaraan araw.
Nahihiwagaan pa rin siya sa gubat na ito. Tila may kung ano mahiwaga na nakapalibot dito. Payapa at tahimik. Buhay na buhay ang mga halaman at puno. Medyo matitingkad ang kulay nila kaysa sa ordinaryo kulay ng puno at halaman.
May bitbit siya basket. Nagluto kasi sila ng kapatid niya si Camille ng banana Cue at gusto niya dalhan si Zei. Naging tukso naman ang kapatid dahiL mukha may namumuo daw something sa kanila ng binata.
Napailing na lang siya. Hindi palabiro si Camille pero ang sabi nito nahawa daw ito sa Kuya Zei nito.
She smiled. Hindi niya akalain na magkakilala pala ang mga ito. Pinagtagpo-tagpo sila ng pagkakataon. Natupad na ang kanya kahilingan makasama ang kapatid. Hindi man na nila makikita pa muli ang kanila ina,alam nila na masaya na ito ngayon magkasama na sili muli magkapatid.
"May maganda bisita ako ah,"sabi ng pamilyar na boses iyun.
Napapitlag siya sa bigla nagsalita iyun. Agad na kumabog ang dibdib niya ng makita nakangisi sa kanya ang binata.
"Uhm,ano,nagluto kasi kami ni Camille ng banana Cue...naisip ko na bigyan ka.." kinakabahan tuloy na niya saad.
Nakangiti na lumapit ito sa kanya at kinuha ang basket sa kanya.
"Halika,samahan mo ako kainin ito..mukha masarap to ah!"
Nakangiti na sumunod siya sa binata hanggang sa marating nila ang pahingahan nito.
Tiningala niya kinaroroonan ng pahingahan nito. Narinig niya tumawa ng mahina ang binata.
"Kapit ka sakin.."
Nagtataka napatitig siya rito. Natandaan niya inalalayan lang siya nito bumaba noong una pero hindi niya alam kung paano naman alalay ang gagawin nito paakyat.
Napapitlag siya ng hawakan nito ang kamay niya at hinila. Nahigit niya ang hininga ng dumapo ang kamay nito sa beywang niya.
Mariin siya napapikit ng walang kahirap-hirap na binitbit siya nito at hindi na niya alam kung ano ba ang nangyari at nang dumilat siya nasa itaas na sila.
Awang ang kanya mga labi na napatingin sa nakangisi binata .
Kinindatan siya nito at sabay talikod sa kanya para usisain ang laman ng basket.
Paano nito iyun nagawa?!
Lumundag ba sila? Paano?
Imposible.
Nanatili nagtatalo ang isip niya sa kung ano ba talaga ang tunay na nangyari.
"Zei...paano tayo nakaakyat dito?"
Lumingon ito sa kanya.
"Kaya kong lumundag ng mataas.." pagkindat nito saad sabay subo sa isang saging na nababalutan ng asukal.
Lalo napaawang ang bibig niya.
Ano bang klase tao ba ito?
BINABASA MO ANG
God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)
WerewolfZei,ang panginoon ng mga lobo. Ang pagiging panginoon ng kanyang mundo;ang mundong-Colai ay napakalaking responsibilidad sa kanya. Ngunit ang maging kupido ng sampung panginoon na pinadala ng propesiya sa mundo ng mga tao Para sa kanyang-kanya itina...