Chapter 20

6.7K 185 1
                                    

Nakangiti na pinagmasdan ni Zei ang mga pusa na tila mga bata na nag-uunahan na umakyat sa puno.

Dinala niya ang mga pusa sa kanyang tree house. Napagpasyahan kasi ni Camille na manatili sa tabi ng Ate Adeline nito.

Magkasama na ang magkapatid na limang taon din na nagkawalay. Labis ang kalungkutan ni Adeline ng malaman nito na pumanaw din ng gabi iyun ang kanila ina.

Ramdam niya ang sakit,pagdadalamhati at galit sa mata ni Adeline nang sabihin ng kapatid ang tungkol dun.

Hindi lamang sila hinusgahan ng mga tao binawian pa sila ng ina.

He sighed. May labing-siyam na araw na lamang siya sa mundong ito.

May ilang araw pa siya para makilala si Adeline.

Natigilan siya ng sumingit sa isip niya ang tungkol sa propesiya. Hindi naman niya nakakalimutan iyun. Gayun nga lang huli na para pigilan niya ang damdamin.

Pareho nila iniibig ni Adeline ang isa't-isa.

Umiibig ang isang panginoon na tulad niya sa isang tao.

Nilingon niya ang kinaroroonan ng talon. May isang bagay siya kailangan kunin mula sa kanyang templo. Mabilis na tinungo niya ang talon at tinawid ang papunta sa lagusan patungong mundong-Colai.

Ilang saglit lang ay nakasuot na siya ng kumikinang na gintong kasuotan. Gintong korona na may hugis ng isang lobo sa tuktok at mga gintong na nakapalibot sa kanya braso,kamay at may nakasabit na gintong kwentas na may pedant ng mundong-Colai.

Tinahak niya ang napakalawak na templo niya. Ang ginto templo na babalikan niya pagkatapos ng labing-siyam na araw niya sa mundo ng mga tao.

Lumapit siya sa isang bahagi ng templo kung saan naroroon ang hugis fountain na sagana umaagos ang makukulay na tubig.

Ang iba't-ibang kulay na likido. Ang mga banal na alak.

Nilagpasan niya ang mga iyun at sa pinakadulo ay ang kulay gintong likido na umaagos mula sa nguso ng Lobo pabagsak sa pabilog na harang.

Dumampot siya ng isang kulay gintong bote at tinapat ang nguso niyun sa umaagos na inumin.

Ang walang hanggang buhay na inumin.

Ang mahiwagang inumin na magbibigay sayo ng walang kamatayan na buhay.

Nang makakuha ng sapat tinakpan niya iyun.

Tinitigan niya ang bote na may lamang mahiwagang inumin.

Adeline..sigaw ng kanya puso't-isip habang nakatitig sa boteng hawak.

Muli siya bumalik sa mundo ng mga tao.

Tila segundo lang ang lumipas bago siya nakabalik.

Sumilay ang ngiti sa kanya mga labi nang maramdaman ang presensya ng dalaga na siya nasa kanya isipan.

God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon