Chapter 40

6.6K 171 1
                                    

Kalmante niyang pinagmasdan ang mga prinsipe na maang na nakatitig sa kanya. Kung hindi lamang niya suot ang kulay gintong kasuotan ito at kung wala siya sa templo ito malamang kanina pa siya bumanghalit ng tawa sa nakikita niyang ekspresyon ng mga ito.

Hindi makapaniwala ang mga Prinsipe.

"Pwede tayo mag-usap gaya ng nakasanayan niyo pakikipag-usap sakin,mga mahal kong prinsipe.." udyok niya sa mga ito.

Nagkatinginan ang mga ito sa isa't-isa at tinatantiya kung seryoso nga ba siya dun.

Ngumisi siya sa mga ito.

"Hindi niyo ba ko namiss?!"

"Hindi kapani-paniwala na ikaw ang aming panginoon...patawad sa sinabi ko,mahal na panginoon.."turan ni Brikz.

"Hindi rin ako makapaniwala na isa nga ko panginoon ng mga lobo eh," sagot niya.

He heard a chuckled from Prince Ariel. Agad na yumukod ito nang makitang napatingin siya dito.

Nginisihan lang niya ito bilang tugon na ayos lang sa kanya.

"Uhm,Mahal na panginoon.." si Ariel sa seryosong anyo.

"Ano yun,mahal na Prinsipe ng mga berdeng lobo?"

Niluhod nito ang isang tuhod sa sahig at yumuko sa kanya harapan.

"Gusto ko ihingi ng paunmanhin ang sinabi ko sa inyo noong nasa mundo pa tayo ng mga tao..na..ahm,pagtatawanan din kita balang araw..patawad,mahal na panginoon!"

Nakangiti na tinapik niya ang balikat nito

"Ayos lang,Mahal na Prinsipe..." aniya.

Nanatili itong nakayuko.

"Tumayo ka na,naiilang ako.." untag niya rito.

Agad naman ito tumalima.

"Masaya ako na makita ko kayong lahat muli,mga Prinsipe ng mundong-Colai!" nakangiti niya saad.

"Labis ko kinatutuwa ang inyong pagbabalik dito sa ating mundo.."

"Paumanhin,mahal na panginoon..sa pagpunta namin dito na walang pasabi.." saad ni Clyde.

"Nais lamang namin mabigyan ng kasagutan ang tungkol sa Propesiya,mahal na panginoon.."untag ni Patrikk.

Hinayon niya ang bukana ng templo at tinanaw mula sa malayo ang sampung distrito na bumubuo sa kanyang mundo.

" Tama ang inyo mga kuro-kuro,mga mahal kong prinsipe.."saad niya. Nakalagay sa likuran ang kanya mga kamay. Nagpapakita ng makapangyarihan siyang nilalang na lobo sa lahat.

"Hindi na namin pangangahasan na alamin pa ang tungkol sa pangalawang talata,mahal na panginoon.." anang ni Clyde.

Tahimik lang tinanaw niya ang mundong-Colai.

Wala siya gusto isagot roon. Hindi niya natitiyak kung mangyayari nga na isusuko niya ang kapangyarihan para sa pag-ibig. Sa anong paraan? At anong klaseng pag-ibig ang magpapatuloy sa kanya sinukuan?

Walang matiyak na sagot pero isa lamang ang sagot na sinisigaw ng kanya puso at isip.

Kaya niya isuko ang pagiging panginoon ng mga Lobo para kay Adeline. Ang makasama ito habang-buhay.

Ngunit hindi pa oras para gawin niya yun may mga bagay na kailangan mo maghintay bago mo makuha ang iyong ninanais na makamit.

Sisiguruduhin niya na magkikita muli sila ni Adeline. Hindi man ngayon darating din ang panahon na magkikita sila ng kanya minamahal na si Adeline.

God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon