Chapter 23

6.4K 162 12
                                    

May bahid ng lungkot ang kanya mga ngiti habang ginuguhitan niya ng ekis ang maliit na kalendaryo.

May Labing-walo araw na lamang meron si Zei bago ito umalis.

"Ate Adeline...?" pagsilip ni Camille sa pintuan ng silid nila magkapatid.

Agad na ngumiti siya rito. Pumasok ito at tumabi sa kanya ng upo.

Sumulyap ito sa hawak niya.

"Kagabi pa kita nakita hawak iyang kalendaryo,Ate Adeline..?"saad nito.

Bumuga siya ng hangin.

"Gusto ko lang markahan ang lilipas na araw sa loob ng labing-walong araw..." mahina niya sagot.

Nangunot ang noo nito.

"Para saan,Ate?"

Muli siya bumuga ng malalim na hininga.

"Bago umalis si Zei at...hindi na muli babalik..."malungkot niya saad.

"Ha? Saan pupunta si Kuya Zei?" gulat nito saad.

Umiling siya. "Wala naman siya sinasabi kung saan basta ang sabi niya hindi siya nabibilang rito sa atin mundo," tugon.

Kahit siya napaisip roon hindi naman sinagot ng binata ang tinanong niya kaya hindi niya alam kung anong ibig sabihin nun.

"Alam mo,Ate Adeline..minsan na ko nagdududa sa pagkatao ni Kuya Zei eh,"

Napatingin siya sa kapatid na may kunot sa noo.

"Gaya ng ano?"

"Parang kasi may kakaiba sa kanya...parang hindi siya basta tao lang..may nararamdaman ako kakaiba sa pagkatao niya.."

Napaisip siya. Hindi niya na naitanong sa binata kung alam na ba nito ang nangyari sa dalawa lalaki.

Nagkatotoo ang sinabi nito na hindi sila masasaktan ng Lolo Anding niya mula sa dalawa iyun.

May dumunggol na kaba sa dibdib niya. Hindi kaya may kinalaman talaga siya roon?

Bakit hindi mo na lang siya tanungin?sabi ng isip niya.

Bago siya makapagsalita pumukaw sa atensyon nila ang halinghing ng isang kabayo.

"Si Kuya Zei!"

Agad na kumabog ang dibdib niya. Agad din nawala sa isip niya ang negatibo kaisipan para sa binata.

Mabilis na lumabas sa silid niya ang kapatid.

Bigla nag-init ang mukha niya nang maalala ang nangyari kahapon. Ang pag-amin niya sa kanya damdamin para sa binata.

Hindi daw siya maaari umibig pero gusto nito maranasan kung paano ito mahalin.

Hindi niya lubos na maunawaan kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng mga sinasabi nito kahapon.

Hindi malinaw sa kanya ang lahat na binitawan salita ng binata.

"Ate Adeline! Magdidate daw kayo ni Kuya Zei!"

Bigla siya napahiya sa sarili sa sinabi iyun ng kapatid.

Talaga kailangan pang ipagsigawan yun ng kapatid niya.

Napabuga na lang siya ng malalim na hininga.

God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon