Umaasa siya na sana bumisita si Zei ngayon araw.
Marahas sya napabuga ng hangin.
Bakit naman siya umaasa? May sarili siya buhay at sigurado na busy din ito sa buhay.
May nobya na kaya siya?
Agad na winagwag niya ang kaisipan yun. Bigla siya nakakaramdam ng inis kapag naiisip niya iyun.
Marahas siya napabuga ng hangin. Ano ba nangyayari sayo,Adeline?
In love ka na ba sa kanya?
Tinuon na lang niya ang atensyon sa pagsasampay ng nilabhan niya damit nila magLolo.
Namamahinga si Lolo Anding dahil dumadaing ito na masakit ang ulo.
"Magandang hapon,"
Marahas siya napalingon ng marinig ang pamilyar na boses iyun.
Agad na gumalabog ang dibdib niya ng masilayan muli ang gwapo mukha ni Zei.
"Zei.." anas niya at agad din natauhan.
Tumikhim siya at bahagya pinasadahan ng palad ang medyo basa nang saya niya dahil sa mga sinampay niya.
"Ikaw pala..napabisita ka ulit."
Hindi ba iyun naman ang hiling mo?sita ng kanya isip.
"Oo at may kasama nga pala ako.."anito at may sinenyasan ito mula sa kung saan.
Agad na napatingin siya sa isang babae na tila pamilyar sa kanya.
Maputi ito at tulad niya na may maamong mukha.
"A-ate A-Adeline..." namumula ang mga mata saad nito.
"C-Camille?" hindi makapaniwala saad niya ng maramdaman niya ang lukso ng dugo para sa kapatid na limang taon na hindi niya nakikita.
"Ate Adeline!" umiiyak na tumakbo ito palapit sa kanya.
Mahigpit niya agad niyakap ang kapatid. Umiiyak na din siya.
"Camille...ang tagal ko hinintay ang pagkakataon na ito na magkita tayo ulit.." lumuluha niya saad.
Panay ang hagulhol nila magkapatid habang mahigpit na magkayakap sa isa't-isa.
Marahil dahiL doon napalabas ng kubo si Lolo Anding.
"Adeline? Anong nangyayari sayo diyan? Bakit parang may umiiyak akong naririnig?" mabagal na paglabas nito sa pintuan.
Hinila niya si Camille palapit kay Lolo Anding at nagulat na makita umiiyak sila.
"Lolo Anding ,si Camille po,siya po yung kapatid ko na nahiwalay sakin.." umiiyak niya sabi sa matanda lalaki.
"Diyos ko! Natupad na ang kahilingan mo,apo.."hindi makapaniwala saad nito sa kanya.
Napasulyap siya sa kinaroroonan ng lalaki.
Nakangiti na ito sa kanya at magiliw na pinagmamasdan sila magkapatid.
May luha sa mga mata na buong suyo at madamdamin ngiti ang pinukol niya rito.
Mataman siya tinitigan nito.
Aaminin niya hindi lang pagkagusto ang nararamdaman niya para rito.
Umiibig siya sa binata. Umiibig siya rito kahit na ganun kabilis.
BINABASA MO ANG
God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)
Loup-garouZei,ang panginoon ng mga lobo. Ang pagiging panginoon ng kanyang mundo;ang mundong-Colai ay napakalaking responsibilidad sa kanya. Ngunit ang maging kupido ng sampung panginoon na pinadala ng propesiya sa mundo ng mga tao Para sa kanyang-kanya itina...