Chapter 48

6.6K 189 13
                                    

Pinagmamasdan niya ang kinaroroonan ng Propesiya .

Kasulukuyan nagdidiwang ang mundong-Colai pagkatapos ibigay sa mga Prinsipe at Prinsesa ang trono bilang mga Hari at Reyna ng kanila distrito.

"M-mahal na panginoon?" pukaw ng boses iyun sa bukana ng tore.

Nilingon niya ang nagsalita.

Ang mga mahal niyang Anda ay nakamaang na nakatingin sa kanya.

Nagtataka kung ano ang ginagawa niya sa tabi ng propesiya at kung bakit siya nakasuot ng kulay ginto na kasuotan na tangi ang mahal na panginoon lang ng mga lobo ang may karapatan na isuot iyun.

"Z-Zei...?" bulalas ng gulat na Pulang Anda.

Humarap siya sa mga ito.

Agad na nagsiluhod ang mga ito sa harapan niya.

"Patawad,mahal na panginoon sa aking kabastusan na pagtawag sa inyong pangalan.." pagsisisi saad ng pulang Anda.

"Pinahihintulutan ko kayo na tumindig at kausapin ang inyong mahal na panginoon.."

Agad na nagsitalima ang mga ito.

Nakangiti siya na humarap sa mga ito.

Bakas pa rin ang hindi pagkapaniwala sa mga mukha ng mga ito.

"Hindi namin inaasahan ang inyo pagbisita dito sa tore,mahal na panginoon" untag ng itim na Anda.

"Uh,Oo..ayoko lang maabala kayo sa pagdiriwang.." nakangiti niya saad.

"Mahal na panginoon..humihingi po kami ng pahintulot na tanungin kayo kung...kung ano ang inyo ginagawa rito sa tore?" maingat na saad ng puting lobo.

Nilingon niya ang propesiya.

"Ang Propesiya ay para sakin.."

Natigilan ang lahat.

"Mahal na panginoon...kayo nga ang tinutukoy sa Propesiya.." hindi makapaniwala saad ng Abong Anda.

Nakangiti na tumango siya sa mga ito.

"May nais sana ako hilingin sa inyo mga mahal kong Anda!"

Sabay-sabay na nagsiluhod ang mga Anda bilang pagbibigay respeto at pahintulot sa kanya kahilingan.

"Gusto ko buksan niyo muli ang lagusan sa pagitan ng mundong-Colai at ang mundo ng mga tao..."

Batid niya ang pagkabahala ng mga ito sa kanya kahilingan.

Mangyayari na ang pangalawang talata.

"Mahal na panginoon..." pagkabahala usal ng mga ito.

"Labis ko kinatutuwa ang inyo mga nagawa dito sa akin mundo at napanatili niyo maayos at payapa...sa palagay ko,panahon na para magawa ang isang bagay na matagal ko tinikis para sa pagkakataon ito.."

Nanatili ang mga ito tahimik.

"Ang makita ang aking pamilya sa mundo ng mga tao.."

"Mahal na panginoon!" sabay-sabay na saad ng mga Anda.

God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon