Chapter 22

6.5K 171 11
                                    

Pinagmasdan niya ang malaanghel na mukha ni Adeline habang buo paghanga na nakatitig ito sa talon.

"Ngayon lang ako ulit ako nakakakita ng talon ng malapitan!" mangha nito saad na bumaling sa kanya.

Mataman niya ito tinitigan. Ito ang babae nasa harapan niya ang bukod-tangi nagpatibok sa kanya puso. Ang puso ng isang Diyos ng mga Lobo.

Umiibig siya rito. Umiibig siya kay Adeline.

"Anong iniisip mo?"sita nito sa kanya.

Agad na napangiti siya rito. Hindi niya napansin na natigilan na pala siya.

" Wala naman,nakakatuliro lang ang kagandahan mo,Adeline.."nakangisi niya tugon rito.

Bigla ito nag-iwas ng tingin. Lumawak ang pagkakangisi niya dahiL sa nakitang epekto rito ng sinabi niya iyun.

Wala sa sarili na umangat ang braso niya at sinapo ang pisngi nito at iniharap niya sa kanya.

Masuyo niya ito nginitian. "Tila isang anghel ang iyong napakaamo mukha,Adeline..." masuyo niya saad.

Natuon ang mga mata niya sa pagkagat nito sa pang-ibaba labi nito.

Dumantay roon ang hinlalaki niya at inalis sa pagkakagat nito roon.

"Alam mo bang...hindi ako maaari umibig..."

Napasinghap ito. Bumukas ang kaguluhan sa maamo nito mukha.

"Bakit...?" halos pabulong nito anas.

Inalis niya ang kamay sa pisngi nito at ikinuyom niya iyun.

Humarap siya sa rumaragasang tubig sa talon.

"Bakit,Zei? G-gusto ko malaman.." pag-ulit nito.

"DahiL sa isang tungkulin..." saad niya sa hangin.

"Anong tungkulin?'muli nito pagtatanong.

Hindi siya sumagot.

" Napakalaki ng pasasalamat ko na nakilala kita,Zei...Ang iyung kabutihan..ang pagligtas mo sakin...ang pinagtagpo mo kami magkapatid..lahat ng nagawa mo ay labis ko kinaligaya.."

Nanatili nasa harapan ang kanya tingin.

"Alam kong...hindi ito kapani-paniwala..pero iyun ang aking nararamdaman ngayon..na..mahal kita,Zei.."

Naipikit niya ang kanya mga mata.

Alam niya. Alam niya nakasulat na sa Propesiya ang kanya kapalaran.

Naikuyom niya ng mariin ang mga palad.

"Ayos lang sakin kung walang katugon...pero sana hayaan mo lang ako makasama ka kahit kaibigan lang ang turing mo sakin...bago lamang sakin ang damdamin ito..nakakalula at nakakatakot pero alam ko na masaya ang puso ko na ikaw ang lalaki na nagustuhan ko.."

Bumaling siya sa dalaga.

Nakayuko ang ulo nito at mahigpit na magkahugpong ang mga kamay. Dinig na dinig niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito.

"May labing-siyam na araw na lamang ako mananatili dito,Adeline.."

Nag-angat ito ng mukha. Bakas sa mukha nito ang kabiguan at pagkadismaya.

"H-hindi ka na babalik?" mahina nito saad.

"Hindi ako nabibilang dito sa mundo niyo,Adeline..." tugon niya.

"Anong ibig mo sabihin?"

Inabot niya ang balikat ng dalaga at hinapit palapit sa kanya katawan. Hindi niya gusto na malaman pa nito ang totoo.

Humugot siya ng malalim na hininga mula sa mabango nito buhok.

Naninigas ito dahil hindi nito inaasahan na yayakapin niya ito.

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanya mga labi.

"Gusto ko maranasan na ibigin ng isang babae tulad mo,Adeline.. " saad niya.

Napasinghap ito.

Hinigpitan niya ang pagyakap rito.

"Gusto ko maramdaman ang pagmamahal mo,Adeline..." usal niya sa gilid ng ulo nito.

Napangiti siya ng gumanti na ito ng yakap sa kanya.

Sana kahit ang panginoon na tulad niya ay maaari din makamit ang walang hanggan na pag-ibig.

May labing-siyam na araw siya para makasama ito at ang alaala iyun ang babaunin niya sa pagbabalik niya sa kanya mundo.

God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon