Chapter 34

6.3K 161 1
                                    

Panay ang samyo niya sa mga bulaklak na binigay ni Zei sa kanya habang sakay sila ng kabayo na mabagal na naglalakad sa gitna ng kagubatan.

"Alam mo bang ang kagubatan ito ay ginawan ko nang harang mula sa mga tao?"usal nito sa gilid ng ulo niya.

Sumandig siya sa harapan nito at mahigpit na kinulong siya nito sa mga bisig nito.

"Para hindi nila matunton ang kinaroroonan mo?" aniya.

"Oo..kami lamang ang makakapasok sa kagubatan ito.."

Bahagya siya napalingon rito.

Kami?

Ngumiti ito. "May sampung prinsipe ng mga lobo ako binantayan dito sa mundo niyo habang hinihintay nila matagpuan ang mga babae itinakda sa kanila..."

Napasinghap siya.

"Talaga? N-nandito pa rin ba sila?"

"Nakabalik na sila sa mundong-Colai. Ang aking mundo,Adeline..."

"K-kasama ang mga itinakda sa kanila?"

Nakangiti na tumango ito sa dkanya. Hinalikan nito ang gilid ng noo niya.

"Zei...ikaw,m-may itinakda din ba sayo?" may halong pag-aalala niyang saad.

"Hindi ako itinakda na kahit kanino pa man..ako lamang ay nakatakda para lamang sa aking mundo at sa sangkalobohan na ninirahan roon.." matapat nitong tugon.

Natahimik siya. Unti-unti niyang pinapasok sa isip niya ang sinabi nito.

Then,Zei heard her sighed.

"Masaya pa rin ako na kahit hindi maaari, minahal mo pa rin ako..minahal ako ng isang panginoon ng mga lobo.."komento nito maya-maya.

" Isa iyun hindi kapani-paniwala na iibig ako sa isang tao..."

"Hindi naman siguro magagalit sayo ang mga lobo kung iibig ka sa isang tao..?"

Mapait siyang ngumiti. Isa siyang panginoon ng mga lobo. May karapatan siyang gawin yun at siya ang magdidesisyon para sa sarili niya ngunit alam niya na minsan hindi lahat ay makakamtam kung alam mong sa umpisa pa lang ay naisulat na sa propesiya ang iyong kapalaran.

Humigpit ang pagyakap niya sa dalaga.

Hindi pa panahon para sa kanila ni Adeline. Ang wagas na pag-ibig niya rito.

He sighed.

"Lagi mo tatandaan na mahal na mahal kita,Adeline..." usal niya sa dalaga.

Tahimik ito tumango bilang tugon.

Pinatakbo na niya ang kabayo si Oste.

Hindi makapaniwala napatitig si Camille sa kanya Ate Adeline at Kuya Zei.

"T-talaga? Makakapag-aral na muli ako?" mangha bulalas niya.

"Oo,Camille..matutupad na ang pagiging doktor mo.."anang ng Ate Adeline niya.

"Wala ka na dapat isipin sa gagastusin mo o anupaman,wala kang ibang gagawin kundi mag-aral ng mabuti..." turan ng Kuya Zei na masayang nakangiti sa kanya.

"Talaga?! Gusto ko po talaga makapag-aral ng medisina!"

May inilapag na envelope ang kuya Zei niya sa harapan niya.

"Para sayo yan," anang nito.

Sabik na sinilip niya ang loob.

Nanlalaki ang mga mata napatingin siya sa mga ito.

"T-totoo po ba talaga ang mga ito?!" hindi makapaniwala na nakatitig siya sa harapan niya.

Passport,plane ticket papuntang America ,passbook sa isang banko na nakapangalan sa kanya at isang susi.

"Mas magandang kung sa ibang bansa ka mag-aaral.." untag ni Kuya Zei.

Naluluha na dinamba niya ng yakap ang mga ito.

"Salamat po sa inyo!" naiiyak niyang saad.

Tumatawa tinapik-tapik ni Kuya Zei ang kanya likuran nang ito naman ang yakapin niya ng mahigpit.

"Basta wala muna boyfriend hanggang sa makapagtapos ka,okay?" payong Kuya saad nito.

"Opo,Kuya Zei! Opo!" lumuluha sunod-sunod na pagtango niya.

God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon