Hindi makukumpleto ang kanyang buhay hanggat hindi sila nagkikita ng kanya Ate Adeline.
Malungkot na hinimas niya ang ulo ni Luck na nasa kandungan niya. Nasa veranda sila at nakaupo sa may rocking chair.
Pinagpapasalamat niya na napadpad siya sa lugar na ito at siya ang nakuha magbantay at mag-alaga sa mga pusa.
Hindi niya alam kung kailan babalik sina Ate Jeniper at ang gwapo nitong kasintahan.
She sighed. Limang taon na mula nang mangyari ang insidente iyun.
Nagising na lamang siya isang araw na nasa isang ospital. Sugatan at wala kakilala. May nakapulot daw sa kanya sa may pampang ng dagat. Dinala siya sa hospital ng nakapulot sa kanya na nagtatrabaho sa isang shelter at doon siya dinala at nanirahan ng ilang taon hanggang sa magpasya siya mag-apply sa isang agency at pinalad na siya ang nakuha ni Ate Jeniper.
She sighed. Nagpapasalamat siya na buhay pa siya at malakas ang pananalig niya na buhay pa ang Ate Adeline niya.
Ang kanya ina..ang kanilang ina..alam niya na pumanaw na ito dahil nakiusap siya sa babae tumulong sa kanya na hanapin ang kanya ina at doon niya nalaman na patay na ito at kasama nasunog sa kubo na tirahan nila.
Umusbong ang galit niya sa mga tao na nanakit sa kanila mag-anak. Ang mga taong-bayan na sinugod sila sa kanila kubo ang dahilan ng pagkamatay ng kanilang ina. Ang pagkahiwalay nilang magkapatid.
Pinatay nila ang aming ina.
"Camille..."
Agad na napaangat siya ng mukha ng marinig ang pamilyar na boses iyun.
"Kuya Zei!"
Lumundag ang pusa na nasa kandungan niya at mabilis na lumapit kay Kuya Zei at agad na binuhat nito si Luck.
Nakangiti na hinimas nito si luck.
Nakangiti na tumingin na sa kanya ito. Kimi na gumanti siya ng ngiti rito.
"Kamusta ka na..?"
"Mabuti naman po,Kuya Zei.."
Tumango ito at binaba si Luck. Lumapit ito sa kanya. Ginawa nito ang lagi nito ginagawa ang pagtapik-tapik sa ulo niya.
"Halika,sumama ka sakin,sabi ko kasi dadalhin kita sa isa kong kaibigan na may may-ari Coffee shop..gusto ka niya makilala.."anito.
"TaLaga po?"
"Oo..ititreat kita ng meryenda.." anito na binuntutan ng pagkindat.
"Sige po,Kuya Zei.."
He chuckled. "Sige,hintayin kita.."
Masaya na pumasok siya ng kabahayan. Natagpuan niya dito ang pangungulila niya sa kanya Ate Adeline.
May Kuya siya at kapatid sa katauhan nito.
Si Kuya Zei.
BINABASA MO ANG
God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)
WerewolfZei,ang panginoon ng mga lobo. Ang pagiging panginoon ng kanyang mundo;ang mundong-Colai ay napakalaking responsibilidad sa kanya. Ngunit ang maging kupido ng sampung panginoon na pinadala ng propesiya sa mundo ng mga tao Para sa kanyang-kanya itina...