Chapter Twenty-Five

6.3K 147 2
                                    

Ayaw niya sana maramdaman pero hindi niya matagumpayan na hindi maramdaman iyun.

Nagseselos siya.

Pero hindi naman sila bakit magseselos siya?!

Hindi maaari umibig si Zei pero maaari siya makipagkaibigan sa babae.

Napakuyom siya ng mga palad. Sakay sila ng taxi. Pauwi na sila.

"Nag-enjoy ka ba sa pamamasyal natin?" pukaw ni Zei sa kanya.

Nilingon niya ito. Katabi niya ito sa back seat. Inabot nito ang kamay niya na nasa ibabaw ng kandungan niya.

"Uhm,Oo..nakakatuwa nga eh,nag-enjoy ako ng sobra ,salamat.."casual niya sagot.

Mataman siya nito tinitigan at kumabog ang dibdib niya. Ayaw na mahalata nito ang tunay niya saloobin.

Sinapo nito ang pisngi niya at bigla nabubura ang nakakainis na damdamin sa dibdib niya sa isang haplos lang nito.

" Nag-enjoy din ako na kasama ka,Adeline...first Time ko mamasyal at may kasama maganda dilag sa pamamasyal. "

Bigla nag-init ang mga pisngi niya sa sinabi nito. Nanunuot kasi iyun. Kung ganun siya ang kauna-unahang babae na nakasama nito sa pamamasyal?

Imposible naman yun? Hindi ba talaga nainlove kahit minsan?

Hindi nga daw siya maaari umibig di ba nga..anang ng isip niya.

"Bakit ba hindi ka pwede umibig?"

Hindi ito nakaimik hanggang sa magsalita ang taxi driver.

"Sir,ma'am ..dito na po tayo sa magubat road.." anunsiyo ng driver.

"Salamat,Manong.." pagsagot ni Zei rito at nginitian siya bago ito nauna bumaba ng sasakyan.

Napabuga na lang siya ng hangin.

Siguro tigilan mo na lang ang mag-asta desperada na malaman yun,Adeline!  Pag-ismid ng kanya isip.

Bumukas ang pintuan sa gilid niya ng inalalayan siya ng binata sa pagbaba. Mahigpit nito hawak ang kanya kamay.

Masarap sa pakiramdam niya magkahawak-kamay sila lalo na sa pampublikong lugar. Pakiramdam niya na pag-aaari lamang niya ang binata.

Hindi nakaligtas sa paningin niya ang mga babae na nakakasalubong nila na napapatingin sa binata.

Kaagaw-agaw pansin naman taLaga kasi ang angking kaguwapuhan ni Zei.

Isang mukha na alam mo sa panaginip mo lang makikita o di naman kaya mababasa sa mga fictional stories gaya ng romance stories.

She sighed. Maswerte siya dahiL ang pinapangarap lang ng iba ay hawak-hawak niya ang kamay.

Napangiti siya. Mula ng magtagpo sila ng binata napakadami emosyon na umusbong sa kanya na dati ay lungkot at pangungulila lang ang meron sa kanya.

Ganito ba talaga ang pag-ibig? Nakakahibang at umaasa?

God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon