25 years ago

7K 175 9
                                    

Chapter 42

Agad na gumuhit ang isang ngisi sa mga labi ng isang beinte y singko binata nang makita ang malaking agwat nila ng kanya kakambal na babae.

Nag-uunahan sila magkambal na makarating sa kanila tirahan na nasa gitna ng kagubatan mula sa kanilang trabaho sa lungsod.

"Sana hindi na lang ako pumayag na makipag-paligsahan sayo,alam ko naman na ako pa din naman ang talo!" saad ng kambal niya babae sa isip nila.

Tinawanan niya ang kakambal.

"Sorry,my twin..ayoko lang taLagang maghugas ng plato eh ." tugon niya sa kanila isip.

Mabilis at maliksi na nilulundag nila ang mga puno palipat-lipat hanggang sa marating nila ang kanila bahay.

Ilang sandali pa nasa may veranda na siya ng kanila bahay na gawa sa matitibay na kahoy. Isang munting tirahan na nakatayo sa kagubatan.

Nakahalukipkip at may ngisi sa mukha na hinintay niya ang kakambal na makaapak ito sa lupa.

Sumimangot agad ito nang makalapit sa kanya.

"Binabati kita,ikaw na uli ang maghuhugas ng plato mamaya.." aniya na sinabayan pa ng pagtaas-baba ng makakapal niya kilay.

"Makakabawi ka din sa susunod,Valerie.." pagsulpot ng kanila ina.

"Ina!!" agad na paglapit dito ni Valerie.

Mabilis din lumapit ang binata sa ina para kunin sa ina ang bitbit nito basket na may laman na mga gulay.

"Ina,bakit hindi niyo sinabi na mamimitas kayo ng mga gulay sana doon na lang kami sa kaingin dumeretso.." sita ng anak na lalaki ni Adeline.

"Kaya ko naman mag-isa..ikaw lang ito masyado pagentleman,Zayne.."tugon ni Adeline rito.

Ngumisi ito. "Ayoko lang kayo mapagod,ina.."

Tinitigan niya ang binata. He look like Zei. Ito ang nakakuha sa gwapo mukha ni Zei pati na rin ang pamatay ng ngisi nakuha nito sa ama nito. Pero mas matapang ang itsura nito kaysa sa mapaglaro anyo ng ama.

"Asus,alam niyo ba ina,marami pinapaiyak na kababaihan yan sa lungsod.." sumbong ng kakambal nito babae.

Ito naman ang nakakuha sa mukha niya. Maamong mukha na namana naman sa kanya.

Nagbunga ang pagmamahalan nila ni Zei. Nagsilang siya ng kambal na anak. Hindi basta ordinaryo kambal lamang. Ang pagiging diyos ng mga lobo ng kanila ama ay nakuha iyun ng kambal.

Isa din mga lobo ang magkambal.

Ipinaliwanag niya ng mabuti ang tungkol sa katauhan iyun ng magkambal noon nagkakaisip na ang mga ito.

Marahil nakatakda na ang maging lobo sila mabilis natanggap iyun ng magkambal.

Pinili niya makahalubilo ng kambal ng mga ordinaryo tao sa labas ng kagubatan. Sa lungsod doon niya pinag-aral ang kambal at ngayon ay nakatapos na sa kani-kaniya pag-aaral.

Masuyo niya hinaplos ang pisngi ng anak na si Zayne.

"Basta wala kang masasaktan.."

"Wala pa po yun sa isip ko,ina..hindi ako mag-aasawa hanggat hindi kayo nag-aasawa uLit.." anito.

Natigilan siya.

Nasundan na lamang niya ng tingin ang pagpasok sa kabahayan si Zayne.

"Umaasa pa rin ako na magkikita muli kayo ni ama,ina.." untag ni Valerie.

Masuyo niya ito nginitian. Hindi niya inilihim sa mga ito ang tungkol sa ama ng mga ito pero si Zayne ang labis na hindi na umaasa na babalik pa ito.

She sighed. Naniniwala siya na balang araw magkikita sila ni Zei.

God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon