Chapter 32

6.1K 164 3
                                    

Walang tigil sa pagkabog ang kanya dibdib habang nakatitig sa malaking lobo. Ang kulay gintong lobo?!

Totoo ba itong nakikita niya? Totoo bang isang lobo ang lalaki iniibig niya?!

Wala sa sarili na humakbang siya palapit at umangat sa ere ang kanyang kamay upang hawakan ang gintong lobo na may makapal na balahibo.

Kumikinang ito mula sa liwanag ng araw panghapon.

Buong paghanga na pinakatitigan niya ito.

Hindi gumagalaw ang lobo mataman lang nakatitig ang malalaki nitong mga mata sa kanya. Ang mga titig ng lalaking iniibig niya.

Napasinghap siya ng dumampi ang kanyang mga daliri sa napakalambot nitong balahibo. Tila isang bulak ang kalambutan niyun.

"Zei..."awang ang mga labi saad niya.

" Totoo nga...n-nahahawakan kita.."nag-iinit ang mga mata saad niya.

Hindi siya makapaniwala. Naiiyak siya at ang mga emosyon na sunod-sunod na umusbong sa kanya damdamin ay walang tigil sa pag-uunahan.

Diyos ko,hindi ito kapani-paniwala!

Umagos ang mga luha sa kanya mga mata. Ito pala..ito pala ang dahilan niya kung bakit hindi ito pwedeng umibig.

Natigilan siya ng umatras ang lobo. Bigla nanikip ang kanyang dibdib. Lumalayo ito sa kanya. Gusto nito na layuan siya.

Naikuyom niya ang mga palad.

Nasasaktan siya. Masakit na nga sa kanya ang katotohanan na hindi sila magkakatuluyan. Dinagdagan pa ang sakit niyun na hindi sila mag-kauri. Na isa siyang tao at isang lobo naman ito.

Agad na nagpanik ang kalooban niya ng makita ang pag-alis ng lobo.

"Zei..."

Napahinto ito sa pag-alis. Nilingon siya nito.

"Alam kong maiintindihan mo ako. Kaya..kaya sana p-pakinggan mo muna ako bago mo akong talikuran.."

Nanatiling nakalingon sa kanya ang lobo. Si Zei.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib.

"N-ngayon nauunawaan ko na...i-ito ang dahilan mo kung bakit hindi ka maaari umibig...sa isang tao," may bahid ng sakit niyang usal.

"P-pero...m-mahal kita,Zei...t-tanggapin ko kung ano ka pa.." garagal niyang saad.

Humihikbi siya pero pilit siya na makapagsalita ng maayos.

"M-mahal kita! Wala akong pakielam kung isa ka pang lobo!" may halong desperasyon niyang saad.

Saka doon na siya napahagulhol.

"Mahal kita..mahal kita..mahal na mahal kita,"paulit-ulit niyang saad sa gitna ng paghagulhol niya.

Napasinghap siya ng umangat ang kanyang luhaan mukha at isang mainit na mga labi ang sumakop sa bibig niya na bahagyang nanginginig dahil sa pag-iyak niya.

Magkalapat ang kanilang mga labi.

Ipinikit niya ang mga luhaan mata at hinayaan itong halikan siya ng binata na puno ng damdamin.

Napakapit siya sa batok nito at dama niya ang kahubdan nito na nakadaiti na sa kanya katawan.

Lumalim ang kanilang paghahalikan na buong puso niya tinutugon.

"Mahal din kita,Adeline..." paos nito anas sa kanya bibig.

Humikbi siya na niyakap ito ng mahigpit. Inilubog niya ang kanyang luhaan mukha sa mainit nito leeg.

Nanghina siya at mahigpit siya  nitong niyakap.

Isang yakap na walang sinuman ang makakapaghiwalay sa kanila.

Diyos ko...wag sana matapos ang lahat ng ito sa kanila.

Mahal na mahal niya si Zei.

Pati na ang anyong lobo nito.

Mahal na mahal!

God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon