Chapter 31

6.2K 169 5
                                    

Naikuyom niya ang mga palad habang nakatitig sa dalaga. Nasaksihan niya ang pagdaan ng kalituhan at sakit sa mga mata nito sa kanya ginawa pagdistansya rito.

"Zei..." halos pabulong nito saad.

Hindi tungkulin ng isang tulad niya bilang panginoon ang ipaliwanag kung ano at sino ba siya sa isang tao.

Ngunit sadyang malalim na ang kanya damdamin para sa dalaga. Hindi na niya iyun napigilan pa. Labis na niya ito minamahal.

"May...may mga bagay na hindi tayo magkakapareho...gaya ng magkaiba ang mundo natin,Adeline..." saad niya.

"Magkaibang mundo? Gaya ng...gaya ng mayaman ka at...at mahirap lang ako? Alam kong hindi ako nakatapos ng pag-aaral..wala ako ibang alam na trabaho kundi ang magtanim ng mga gulay pero...pero kaya kitang mahalin nang higit pa sa buhay ko..nang higit pa sa mga tinatamasa mo sa buhay..."garagal nitong saad.

Naipikit niya ng mariin ang mata.

"Zei..bakit? Pakiusap sabihin mo sakin kung bakit hindi pwede?" paghawak nito sa kanya braso.

Nagmulat siya ng mga mata at nasalubong niya ang puno ng pakiusap na mga mata nito.

Sumisikip ang kanyang dibdib. Ang sabi niya ayaw niya makita ito nalulungkot at nasasaktan pero siya pa ang dahilan niyun.

Siguro marapat na malaman na nito ang dahilan niya upang maunawaan siya nito ng tuluyan.

Adeline is innocent but not a stupid.

Kumuha siya ng matulis na bato sa may paanan niya at sinundan lamang ng mga mata nito ang kilos niya.

Humarap siya sa dalaga at ipinakita niya rito ang pagsugat niya sa kanyang sarili.

Marahas ito napasinghap sa ginawa niya pagsugat sa kanya palad.

"Pagmasdan mo,Adeline.."

Nanlalaki ang mga mata nito ng masaksihan nito ang kusa paghilom ng sinugatan niyang palad.

"P-paanong n-nangyari yun?" anito habang nakasapo na ang mga palad sa bibig nito na bahagya nakaawang sa pagkagulat.

Mapait siya ngumisi sa dalaga.

"Hindi tayo mag-kauri,Adeline...hindi ako tao tulad mo.."

Muli nahigit nito  ang paghinga.

"Isa akong...isang akong Panginoon ng mga lobo..." pagsawalat niya sa kanya tunay na katauhan.

Hindi niya mabasa kung ano sakto nasa isip nito dahil mabilis na nagpapalit-palit ang mga iyun.

He can't read her mind now.

"Diyos ko...Isa kang lobo?" maya-maya nitong saad.

Naikuyom niya ang mga palad.

Is she going to run? Hindi niya mabasa ang nasa isip nito kaya hindi niya alam kung anong mararamdaman niya sa susunod nito reaksyon.

"Ako...ako ang pumatay sa dalawang lalaki na humahabol sayo noon nakaraang linggo.."pag-amin niya rito.

Nakita niya ang labis na pagkagulat sa mga mata nito.

"H-hindi...P-paano mo yun g-ginawa?" hindi makapaniwala saad nito.

Hindi na niya ito sinagot bagkus pinakita niya rito ang tunay niya anyo.

Isang malakas na singhap ang muli pumainlanlang nang magpalit siya ng anyo sa harapan nito.

Isang kulay gintong lobo na ngayon ay tahimik na nakatitig sa dalaga at tila natulos na ito sa kinatatayuan nito.

Ito ang tunay kong pagkatao,Adeline...isang lobo na sinasamba ng kapwa kong Lobo.

God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon