Kusang gumuguhit ang ngiti sa kanya mga labi habang nililinis ang mga pinggan na pinagkainan nila.
Bago sumikat ang araw inihatid siya ni Zei pauwi sa kubo. Sa kagustuhan niya pasalamatan ito inanyayahan niya ito na sumabay na sa kanila sa pag-aalmusal at pinaunlakan naman siya ng binata na labis na ikinatuwa niya ng sobra.
Malaki bahagi na ng puso niya ang sinakop ng lalaki.
Gusto niya ang lalaki. Gustong-gusto na niya ito.
"Adeline..."
Agad na sinalubong niya si Lolo Anding. Kinuha niya rito ang bitbit nitong gulok.
"Alam mo bang natagpuan patay sina Atoy at dodong sa may gubat kanina umaga.."
Bigla siya natigilan. Dinunggol siya ng kaba.
"Sino po?"
"Yung dalawa kargador sa palengke na minsan tumutulong satin.."
Napigil niya ang paghinga.
"Natagpuan na wakwak ang katawan..ang sabi baka daw tinorture kasi nag-aaadik daw yung dalawa na yun o di kaya nasakmal ng mabangis na hayop sa gubat ..pero matagal na tayo dito wala naman Leon o tigre pa tayo nakikita..,baboy-ramo meron pero hindi naman ganun kalala.."
Wala siya maisip na masabi. Labis iyun nakasindak sa kanya. Kahapon lang ay pinagbalakan siya ng mga ito ng masama ngayon wala na ang mga ito.
Ayaw niya isipin na baka may kinalaman doon si Zei. Wala kasiguruduhan yun dahil magkasama sila ni Zei.
Pero nakatuLog ka hindi ba?
"Bigla tuloy ako nangangamba sa kaligtasan mo,Apo...baka nga may mabangis na hayop sa gubat at hindi lang natin natityempuhan.."
Napukaw ng pag-aalala ni Lolo Anding ang pagkahulog ng kanyang isip.
"Huwag po kayo mag-alala,Lolo Anding...mag-iingat ako ng doble ngayon.." saad niya.
Siguro oras na ng mga ito pagbayaran kung anuman ang naging mga kasalanan nito sa buhay at isa na dun ang pagbabalak ng mga ito na saktan sila ng kanyang Lolo Anding.
She sighed.
Inalis niya sa kaisipan ang tungkol sa pagkakaroon ng kinalaman ng lalaki sa dalawa. Wakwak daw ang katawan,ganun kabrutal na namatay ang dalawa at walang tao makakagawa niyun.
Agad na bumalik sa alaala niya ang natamong sugat sa kanya braso pero wala ni kahit ano siya nakita doon. Nagtataka na napangunot ang noo niya.
Ang alam niya nasugatan siya doon. Pero bakit wala na?
BINABASA MO ANG
God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)
WerewolfZei,ang panginoon ng mga lobo. Ang pagiging panginoon ng kanyang mundo;ang mundong-Colai ay napakalaking responsibilidad sa kanya. Ngunit ang maging kupido ng sampung panginoon na pinadala ng propesiya sa mundo ng mga tao Para sa kanyang-kanya itina...