Sumilay ang malungkot na ngiti sa mga labi ni Adeline habang hawak-hawak niya ang porselas na gawa sa tali. Hindi niya iyun kailanman inalis sa kanya kamay.
She sighed. Palagi siya nasa Talon umaasang isang araw biglang susulpot ang lalaki sa harapan niya.
Tiningala niya ang treehouse. Mataas iyun kaya hindi niya magawa akyatin kahit gustuhin man niya. Alam niya nandun pa ang mga gamit nito.
Bigla nag-init ang mukha niya ng maalala ang huling gabi na nakapiling niya si Zei.
Nagising siya kinabukasan noon na wala na si Zei at nasa kubo na siya marahil ginawa nito iuwi siya dahiL hindi niya kakayanin bumaba mag-isa sa puno kung iiwan siya dun.
Mapait siya napangiti. Sana pala pinilit niya na sumama na lamang sa mundo nito.
She sighed.
Kumakapit pa din siya na babalikan siya nito.
"Ina..tumawag nga po pala si Tita Camille.." untag ni Valerie habang nasa gitna sila ng hapunan.
"Talaga? Kamusta naman siya?"
"Ayun,dramatic as usual..ayaw siya payagan ng mga anak niya umuwi dito.."
"Ganun ba..tama lang siguro na wag muna kami ulit magkita. Magtataka iyun sa itsura ko.." aniya. Nang makita niya ang litrato ng kapatid na nakabase na sa America bilang isang surgeon doctor ay nagmatured na ang itsura nito.
"Hmm..sabi ko nga busy ka mag-alaga ng mga kambing at magtanim ng mga gulay..tas nagbiro pa siya na baka di mo na daw kaya kasi matanda na kayo.."
Natawa siya sa sinabi iyun ng kapatid. Kung alam lamang nito na wala nagbago sa pisikal na anyo niya at baka mahimatay ito sakali. Labis na nga ito nagulat nang sabihin niya noon sa sulat na nagdadalang-tao siya at si Zei ang ama.
At nang sumunod na sulat ay sinabi niya na wala na ang mga pusa. Alam niya nalungkot ang mga pusa sa pagkawala ni Zei gayundin ang kabayong si Oste. Natitiyak niya namatay ang mga ito sa pagkawala ni Zei.
She sighed.
Napuna niya ang pananahimik ni Zayne.
"Ayos ka lang ba,Zayne?"sita niya rito.
Ngumiti ito na halos pilit lang.
"Ayos lang ako,ina.." anito.
Sinulyapan naman niya ang kambal nito babae na wala naman imik.
She sighed. Pinagpatuloy na nila ang hapunan.
BINABASA MO ANG
God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)
WerewolfZei,ang panginoon ng mga lobo. Ang pagiging panginoon ng kanyang mundo;ang mundong-Colai ay napakalaking responsibilidad sa kanya. Ngunit ang maging kupido ng sampung panginoon na pinadala ng propesiya sa mundo ng mga tao Para sa kanyang-kanya itina...