Chapter 15

7.3K 208 4
                                    

Napabalikwas si Adeline. Agad na kinabahan siya nang makita na nasa ibang lugar siya.

Zei?!

Madilim na ang paligid. Wala siya ideya kung nasaan na nga ba siya.

Isang lampara lamang ang tumatanglaw sa kabuoan ng kinaroroonan niya.

Agad na napatingin siya sa isang bagay na pamilyar sa kanya. Isang laptop at may mga DVDs siya roon nakita. Nangunot ang noo niya ng makita puro pambata ang laman ng nakaimprinta sa lalagyan ng DVD. Pulos mga cartoon movie.

May bata nakatira dito? Pero nasaan ba siya?

Napasinghap siya ng makita kung nasaan parte siya. Nanlalaki ang mga mata na tumunghay siya. Nasa mataas bahagi siya na naroroon!

"Gising ka na pala..."

Marahas siya napaharap sa nagsalita.

"Zei?!"

Nginitian siya nito. Isang ngiti na alam mong isa itong mabuti tao.

May nilapag ito sa gilid niya. Mga prutas iyun.

Umupo ito sa kinauupuan niya na kanina ay hinigaan niya.

"N-nasaan ako?"

Kinuha nito ang isang mansanas,pinunas sa suot nito pantalon at kumagat roon.

"Matamis ang mansanas,sana mayroon din nito sa mundo ko.." bulalas nito.

Natigilan ito at napangiti ng maalala na may tinatanong siya.

"Dito sa pahingahan ko..dito ako natutulog kapag nandito ako sa black forest.."

Black forest? Ito ba ang binabantayan lupa ng pag-aari ng kamag-anak nito.

"N-nasa itaas ng puno? P-paano mo ako naiakyat dito?"

He smirk. "Malakas ako!" anito na sinabayan ng pagpapakita ng braso nito na may muscles.

Alam niya makisig ang pangangatawan nito pero hindi niya ganun namamasdan kung gaano nga ba ito kakisig.

Agad siya napaiwas ng mga mata ng makita ngumisi ang lalaki sa pagtitig niya sa katawan nito.

Bigla nag-init ang mga pisngi niya sa pagkapahiya.

"Nagugutom ka na ba?" masuyo nito saad.

Saka lang niya naalala ang Lolo Anding niya.

"Huwag ka mag-aalala,alam niya na magkasama tayo. Nagpunta ako sa kubo niyo at sabi nga ni Lolo Anding na nasa kaingin ka kaya tama lang na ako ang susundo sayo.."pagtiim ng pananalita nito. Nawala ang mapaglaro kislap sa labi at mga mata nito.

Bigla siya nakaramdam ng nginig ng maalala ang nangyari kanina.

Natigilan siya ng dumantay ang kamay nito sa ibabaw ng magkasalikop niya mga palad.

Napatingin siya rito.

" Huwag ka mag-alala hindi ka na nila malalapitan pa..pangako yan.."matiim nito saad.

Kumalma ang kanya kalooban sa sinabi nito.

"S-salamat,Zei..baka kung hindi ka dumating kanina baka...baka kung ano na ang nangyari sakin.."

Nakita niya ang pagdilim ng mga mata nito. Mapanganib ang nasasalamin niya roon.

Maya-maya pa ay sumilay muli ang mapaglaro nitong ngisi.

"Ligtas ka na...nandito lang ako..hindi ko hahayaan na masaktan kayo ni Lolo Anding. "

"Maraming salamat sayo. Utang ko ang buhay ko sayo. "

Isang naging ngisi ang ngiti nito.

"Hindi ako maniningil pero hayaan mo lang na magkakilala tayo dalawa..."

"Wala problema sakin,Zei.."isang kimi pagngiti ang pinukol niya rito.

Saglit na natigilan ang lalaki pero agad din nakabawi. Bukas sa mukha nito na tila may nakikita ito sa kanya na pamilyar dito.

"Ade ba ang buo mong pangalan?"

"Adeline Rostov..." pagsagot niya rito.

God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon