Chapter 30

6.1K 152 1
                                    

Hindi pa rin siya makapaniwala na wala na si Lolo Anding.

Biglaan ang pagkamatay nito. Inatake ito sa puso habang nag-aani sila ng tanim nila okra at kamatis. Labis niya iyun ikinadalamhati. Kung alam lamang niya na may sakit sa puso ang matanda sana hindi na niya ito pinapayagan na magpagod.

Naiinis siya dahil hindi niya pinilit ang matanda na tanungin ito sa tunay nitong dinadamdam.

Nanikip ang dibdib niya sa bigla pagbabalik ng lungkot at pagdadalamhati niya para kay Lolo Anding.

Tatlong araw na mula ng ilibing nila ito sa tulong ni Zei.

Nilingon niya ito at abala ito sa pagpapakain kay Oste. Nasa may Talon sila. Tatlong araw na rin mula ng nililibang siya ng binata.

Hindi sila nito iniwan. Nanatili ito sa tabi niya. Dahil dun lalo lumalim ang nararamdaman niya para rito.

Mahal niya si Zei.

Tila naramdaman nito ang pagtitig niya rito at ngumiti ito sa kanya at kumaway habang may hawak ng damo na pinapakain nito sa kabayo.

Malaki ang naitulong ng pagmamahal niya para rito para bumalik sa dati. Kung magluluksa lamang siya mauubos ang araw na nalalabi sa binata bago ito tuluyan umalis.

Ito ang rason kung bakit pinilit niya bumalik sa dati.

May sampung araw na lamang meron ito at wala pa silang maganda alaala para sa isa't-isa. Tanggap na niya na wala ito maitutugon sa kanya damdamin para rito. Hinihiling na lamang niya ay ang maganda alaala na kasama ito.

"Ayos ka lang ba?" untag nito na nasa harapan na pala niya.

Bahagya siya ngumiti rito.

Masuyo siya nito nginitian at hinaplos ang kanya pisngi.

Ipinikit niya ang kanya mga mata at ninamnam ang masuyo nito paghaplos sa kanya pisngi.

"Iniibig kita,Adeline.."

Mabilis na napamulat siya ng kanya mga mata. Hindi makapaniwala na napatitig siya rito.

"A-anong sinabi mo?" halos pabulong niya saad.

Mataman siya nito pinakatitigan sa mata.

"Mahal kita,Adeline..."

Tila huminto sa pagtibok ang kanya puso ng marinig ang pinakakaasam-asam niya mga salita mula rito.

Nanubig ang kanya mga mata.

"M-mahal mo ako.."

Pinagdikit nito ang kanila mga noo at ikinulong ang kanya mukha sa pagitan ng mga palad nito.

Naipikit niya ang kanya mga mata.

"Isang bagay na hindi ko maaari gawin..." anas nito na ikinamulat niya.

Ito na ang oras para maging malinaw sa kanya ang lahat.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib at lakas loob na tinitigan niya ng deretso ang binata.

"Sabihin mo sakin,Zei...bakit hindi ka maaari umibig? Gusto ko malaman kung bakit? Hindi ko maintindihan...mahal mo naman ako...pero bakit ba?"

Hindi ito agad nakakibo. Nawala ang Zei na palagi nakangisi at lagi may mapaglaro kislap sa mga mata.

Ang Zei na nakikita niya ngayon ay kakaiba...puno ng kapangyarihan ang aura nito. Nakakabahala.

"Zei..." malakas ang kabog ng kanya dibdib sa bigla pagbabago ng ekspresyon nito.

Bumitaw ito sa kanya at umatras ng bahagya mula sa kanya.

Naguguluhan na napatitig siya rito.

Bakit siya lumayo? Galit ba ito dahiL naging masyado  siya mausisa?

Pero gusto lang niya malaman ang totoo kung bakit hindi sila pwede magmahalan kung sinasabi naman nito na mahal siya nito.

Ano ba talaga ang pumipigil rito? Anong dahilan nito?

God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon