Chapter 29

6K 155 3
                                    

Tatlong araw binurol si Lolo Anding sa isang Chapel sa bayan. Sa huLing araw ng burol marami ang nakipaglibing. Ang mga naging suki ng matanda sa palengke.

Tatlong araw na din hindi makausap ng maayos si Adeline. Hindi umalis sa tabi nito si Zei na lagi nakaalalay sa dalaga.

Naging matatag naman si Camille. Ito ang nag-aasikaso sa mga nakikiramay.

Pagkatapos ng libing. Agad na nagkulong sa silid nito si Adeline.

"Nakatulog na si Ate Adeline.." anang ni Camille ng silipin nito ang nakakatandang kapatid.

"Magpahinga ka na din.." turan niya sa dalaga.

Halatang pagod na ito dahil dalawang gabi din ito puyat at abala.

"Salamat Kuya Zei..hindi mo kami iniwan.." malungkot nitong saad.

"Maging matatag ka lamang at para na rin sa Ate Adeline mo,siya ang labis na apektado dito dahil malapit ang loob niya kay Lolo Anding.."

"Opo,Kuya Zei.."

Hinintay niya na pumasok ito sa silid nito na siya ginagamit ni Lolo Anding.

Nakakalungkot isipin na wala na ang matanda. Iniwan na nito ang magkapatid.

He's going to leave them too, soon.

Naikuyom niya ang mga palad.

Sa palagay niya kailangan niya kausapin ang magkapatid para sa magiging kinabukasan ng mga ito bago siya lumisan sa mundong ito.

Gusto niya masiguro ang kaligtasan ng mga ito.

May labing-tatlong araw na lamang sya.

He sighed. Sinulyapan niya ang nakasara pinto ng silid ni Adeline.

Hindi niya gusto na nakikita malungkot ang dalaga. Mas doble ang lungkot ang dulot nun sa kanya.

Gusto niya ito muli nakangiti. Ang maganda at maamo nito mukha. Ang ngiti nito na siyang babaunin niya sa pagbabalik niya sa mundong-Colai.

Kinabukasan,maaga siya nagluto ng kanilang almusal.

Aminado siya na wala siyang alam sa pagluluto.

Natagalan bago niya naapuyan ang gatong sa batong kalan. Halos hindi siya makahinga sa sunod-sunod na pag-ubo sa bigla pag-usok ng gatong at binalot ang buong paligid. Hindi naman niya siguro masusunog ang kubo.

Mahirap talaga maging tao!

Hinihitit pa siya ng ubo nang maramdaman niya ang presensya sa likuran niya.

Agad na lumingon siya.

"Zei?!" hindi makapaniwala saad ni Adeline.

"Adeline..." tabingi ang ngiti na tugon niya at pinaypayan ng hawak niyang bilao ang usok na nakapalibot sa dalaga.

"O-Okay ka lang?"

Nakangiwi na tumango siya.

"Pasensya na nais ko sana ipagluto ko kayo ng almusal eh. Kaso mukhang tayo maaalmusal ng apoy..."

"Nasusunog po ba ang kubo natin?"pagsulpot ni Camille na mukha umabot na sa silid nito ang usok.

Lalo tuloy siya napahiya.

Naturingan ka pa naman Diyos ng mga lobo ,simple bagay lang hindi mo magawa!

He sighed. Biguan na humarap siya sa magkapatid.

"Patawad...hindi ko na uulitin.."

Isang hagikhik ang tinugon ni Camille sa kanya.

Mangha naman napatitig sa kanya si Adeline.

Masuyo niya ito nginitian at mukhang sinimulan na nito makarekober mula sa pagdadalamhati.

God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon