Pangitain

7.2K 170 1
                                    

Chapter Fifthy-Three

Natipon-tipon ang mga Hari at ang mga Anda para sa isang mahalagang pagtitipon.

"Hindi maganda ang aming mga kutob mga mahal na Hari!" may pagkabahala saad ng Puting Anda.

"Bigla nagbago ang kapaligiran... Bigla nawalan nang buhay ang buong paligid...nababahala kami!" anang ng itim na Anda.

"Nangyari na ito noong buhay pa ang mga Hari at Reyna...ang pagsiklab ang kaguluhan ng bawat distrito.." anang ng kahel na Anda.

Tinanaw nila lahat ang kapaligiran. Bigla na lamang dumilim ang paligid. Pagbuhos ng makakapal na nyebe.

Pagkalanta ng mga halaman dahil sa biglaan taglamig.

"Isang pangitain..." usal ng puting Hari.

"Ang mahal na panginoon!!!" sabay-sabay na bulalas ng mga Anda.

Binalot ng pagkabahala at pag-aalala ang buong mundong-Colai.

"Hindi ako maaaring umupo na lang...naging mabuting panginoon at mabuting kaibigan satin,ang mahal na panginoon..gusto ko masiguro ang kaligtasan niya sa mundo ng mga tao.." maawtoridad ba saad ng Itim na Hari.

"Gaya mo,mahal na Hari ,nais ko din protektahan ang ating panginoon.." sang-ayon ng puting Hari.

Sabay-sabay ang sampung Hari ng mundong-Colai na yumukod sa mga Anda.

"Hinihingi namin ang pahintulot mula sa inyo na payagan kami bumalik sa mundo ng mga tao hanggang sa matiyak namin ang kaligtasan ng mahal na panginoon.." pangunguna ng puting Hari para sa lahat.

"Oras na para tayo naman ang kumilos para sa mahal na panginoon.." segunda ng berdeng Hari.

"Hangad namin ang kaligtasan ng mahal natin panginoon..gaya niyo mga mahal namin Hari ay hangad na protektahan ang ating mahal na panginoon..." sagot ng punting Anda.

"Bubuksan namin ang lagusan para sa mahal na panginoon!"pagtugon ng mga Anda.

Agad na nagsikilos ang lahat.

Sinamahan sila ng kani-kanila mga pamilya ang pagpunta nila sa lagusan patungo sa kabilang mundo.

"Mag-iingat kayo,mga mahal namin Hari!"pabaon na salita ng mga Anda.

Pinukulan nila ng huling sulyap ang kani-kanila pamilya na umaasa na nasa maayos lamang ang kaibigan nila si Zei para sa kaalaman ng mga ito.

Nanatili lihim ang tunay na katauhan ni Zei sa kanila pamilya gaya na lang ng kagustuhan ng mahal na prinsipe.

God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon