Nilapitan niya ang anak na si Zayne na nagpapahangin sa labas ng kanila bahay.
"Hindi ka pa ba inaantok?" pukaw niya rito.
"Ina.." anito at agad na umisod para makaupo siya sa tabi nito.
"Kayo po? Bakit lumabas pa kayo malamig na dito sa labas.."anito habang hinuhubad ang suot nito jacket at ipinatong sa balikat niya. Inayos niya ang pagkakatakip niyun sa katawan niya.
Kung pagmamasdan mo para lamang sila magkapatid dahil nanatili ang batang itsura niya sa kabila na edad niyang Singkuwenta y tres. Nanatili ang itsura niya noong beinte y otso lamang siya.
Hindi siya makapaniwala na iyun ang epekto ng kulay ginto na likido iyun na pinainom sa kanya ni Zei bukod sa pangpahaba ng buhay.
" May iniisip ka ba,anak?"untag niya rito.
Bumuga ito ng hangin. Tumingala sa kalangitan na napapalamutian ng mga bituin.
"Umaasa pa rin ba kayo na magpapakita ulit sa inyo si ama?" usal nito na nanatili nakatingala sa kalawakan.
"Wala man siya pinangako,alam ko magkikita kami muli..makikita niyo ang inyong ama.." aniya.
Muli ito bumuga ng hangin.
"Naiinis ako..para kasi ang sama ko anak...todo ang kontra ko na hindi na yun mangyayari pero kayo matatag pa rin ang paniniwala niyo na mangyayari yun.."
Masuyo niya nginitian ang anak.
"Alam mo bang ikaw ang kawangis niya..?"aniya at hinaplos niya ang pisngi nito nang bumaling sa kanya.
" Ngayon niyo lamang sinabi ang bagay na yan,ina..dahil ba ayaw niyo isipin ko sa tuwing makikita niyo ako nalulungkot kayo dahiL nakikita niyo siya sa sakin?"anito.
Sa tingin niya hindi lingid sa kaalaman nito ang labis na pangungulila niya kay Zei. Sa ama nito.
"Anak,mahal na mahal ko kayo pareho ng kambal mo. Kailanman hindi ako naging bitter mula ng umalis ang inyo ama..dahiL binigyan niya naman ako ng kambal na anak na gwapo at maganda.."
"Ina...aaminin ko na nasasabik ako makita siya pero ayoko na pinapaasa niya kayo ng ganito. Bakit niya kayo pinainom ng walang hanggan na buhay kung hindi rin naman siya babalik sa inyo?..ano pang silbi nun habang buhay lamang kayo aasa at maghihintay sa kanya,ina..?"
Zayne is a lawyer. Sinasabi nito kung ano ang nasa isip nito na walang pag-aalinlangan gaya ng pagtatrabaho nito sa pagsasabi na dapat malaman ang katotohanan.
She sighed. Tumingala siya sa kalangitan.
"Marahil isa sa dahilan ay ang makasama ko kayo,Zayne at ng kambal mo.."
"Alam ba niya na magkakaanak siya sa inyo?"
Tumingin siya sa anak. Seryosong-seryoso ang gwapo nito mukha.
"Sa tingin ko batid niya iyun..isa siyang diyos ng mga lobo..alam na niya ang mangyayari sa susunod na panahon.."
"Sana batid din niya na umaasa tayo at naghihintay tayo para makasama siya.."deretsahan nitong saad.
Hindi na siya nakaimik sa huling sinabi ng anak.
Malungkot na tinitigan na lamang niya muli ang kalangitan.
BINABASA MO ANG
God Of Wolf : ZEI by CallmeAngge(INCOMPLETED)
WerewolfZei,ang panginoon ng mga lobo. Ang pagiging panginoon ng kanyang mundo;ang mundong-Colai ay napakalaking responsibilidad sa kanya. Ngunit ang maging kupido ng sampung panginoon na pinadala ng propesiya sa mundo ng mga tao Para sa kanyang-kanya itina...