Nakilala kita sa iyong taglay na kagandahan,
Nahulog ako sa iyong kabaitan,
Ewan ko ba bakit naging ganito?
Kung sa una hindi naman kita gusto.Hindi dapat ako mahuhulog sa iyo,
Pero nadala ako sa mga kilos mo,
Masasabi ko na ang galing mong magpa-asa,
Nabitag mo ako at iniwan nalang bigla.Ako'y lubos na nagsisi,
Nagdasal na sana hindi nalang ito nangyari,
Masakit na ako'y iyong iniwan.
Para lang din akong namatayan.Sana sa simula hindi mo na ako binigyan ng motibo,
Hindi sana sa iyo iikot ang mundo ko,
Pero kahit ganoon tanggap ko na,
Kaya magpakasaya na kayong dalawa.
BINABASA MO ANG
Mr. Hugutero (once broken)
PoetryHighest rank achieved-4th in poetry (October 21, 2018) Mga katagang sa sulat lang niya mailalahad nang buong-buo Mga emosyong kaytagal nang binaon at tinago-tago Bibigyan na ng tuldok ang lahat ng hinagpis at pait Iiwan na nang tuluyan ang mali at n...