Sana Meron
Jeanebeth NesperosO kay rami ng salita ang gusto kong sabihin
Mga emosyong gusto ng kumawala sa hangin
Pagdurusa't pilit na paglimot ang gustong gawin
Pero di ko magawa dahil ikaw ay mahalaga sa akinPara ka kasing isang bituin sa langit
Malayong-malayo sa akin, hirap mong makamit
Iyong tipong kahit ano pa ang aking gawin
Malabo pa rin na ikaw ay maging akinSa totoo lang gusto ko nang sumuko sana
Kakalimutan ko lahat ng mga sakripisyo ko sayo mula noong una
Mga sakripisyo na para sa iyo walang halaga
Dahil simula't sapol wala naman pala talaga
Walang ako, walang tayo, iyon ang realidad
Ang mahalin mo ako'y walang posibilidadIkaw ay parang babasagin na tao Kaya iniingatan kita ng buong puso
Pero wala naman akong karapatan sayo
Walang ako, walang tayo
Walang ako sa buhay mo
Pero ikaw lang ang sa buhay koNapakaunfair diba? Pero wala akong magawa
Wala namang nagsabi sa akin, ako lang ang nag-umpisa
Nagpumilit, nagbabasakali
Umaasa na sana balang araw
Meron nang tayo, meron ng ikaw
Meron ng ako sa buhay mo
Meron ng tayo na ipagmamalaki mo.
BINABASA MO ANG
Mr. Hugutero (once broken)
PoetryHighest rank achieved-4th in poetry (October 21, 2018) Mga katagang sa sulat lang niya mailalahad nang buong-buo Mga emosyong kaytagal nang binaon at tinago-tago Bibigyan na ng tuldok ang lahat ng hinagpis at pait Iiwan na nang tuluyan ang mali at n...