Nang magtagpo ang ating tingin
Bigla akong natigilan,
Hindi ko alam ang aking gagawin
Gusto kong manatili ngunit hindi kita maaring pagmasdan,
Ako ang unang yumuko, tumalikod, naglakad
At gusto ng tumakbo
Hindi palayo,
Ngunit pabalik sa kinaroroonan mo
Oo, ikaw,
Ikaw na bumihag sa puso kong matagal ng pumanaw
Sana, sa pagkakataong ito
Mabigyan na ng pagkakataon ang hinaing ng pusong ikaw lang ang sinisigaw.
BINABASA MO ANG
Mr. Hugutero (once broken)
PoetryHighest rank achieved-4th in poetry (October 21, 2018) Mga katagang sa sulat lang niya mailalahad nang buong-buo Mga emosyong kaytagal nang binaon at tinago-tago Bibigyan na ng tuldok ang lahat ng hinagpis at pait Iiwan na nang tuluyan ang mali at n...