Ang iyong pagbitaw

73 0 0
                                    

Ang Iyong Pagbitaw
Jeanebeth Nesperos

Isang masalimuot na kahapon
Ang pilit na humahadlang sa ating pagmamahalan ngayon
Akala ko ba mahal mo ako?
Pero bakit bigla ka nalang nagbago?

Iyong dating bawat bigkas ng iyong bibig,
Bawat sabi mo na ako'y iyong iniibig
Wala akong nadaramang pagaalinlangan
Bagkus pakiramdam ko ikaw lang magpakailanman

Pero ngayon hindi ko alam kung kailan babalik
Sa mga yakap mo ako ay nasasabik
Iyong dating tamis ng ating pagmamahalan
Naglaho at napunta na yata sa kawalan

Akala ko, ang lahat na nasa kahapon
Ay wala nang silbi para sayo ngayon
Iyon ang sabi sa mo sa akin dati  diba
Pero mukhang nagbago ka na talaga

Wala na nga yatang saysay ang lahat ng ating pinagsamahan
Sa isang maling kahapon bigla mo nalang ako iniwan
Kung iyon ang gusto mo,
Pasensiya mahal,  pero mukhang suko na nga yata ako.

Nagsimula ang tayo dahil sa ating pagmamahalan
Pero natapos dahil ako ay iyong binitawan.

Mr.  Hugutero (once broken)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon