Ilang araw na ang nagdaan
Ilang buwan na ang lumipas
Ilang taong paghirap na ang dinaranas
Hanggang ngayon ikaw pa rin ang pinapangarap na makapiling.Ikaw na may nagmamay-ari na pala
Ikaw na imposibleng maging akin dahil matagal kanang sa kaniya
Ikaw na hanggang ngayon di ko parin makalimutan
Kahit na ginawa ko na ang lahat na paraanBakit ba kasi?
Di ko mapigilang itanong sa aking sarili
Oo, bakit sayo ko pa naramdaman ito?
Sayo na, malabong maging tayo.Kahit mahirap, pipilitin ko
Pipilitin kong hindi kana mahalin
Pipilitin kong hindi ka na gustuhin
Oo, pilit lang dahil kung hindi ko kaya
Let it be, diyan naman ako masaya.Masaya kahit ibig sabihin non di ka akin
Na hanggang ngayon siya parin
Na kahit anong pasakit niya sayo siya parin ang iyong mamahalin
At ako mananatiling sa malayo lang nakatingin.Imposible mang makasama ka
Di bale sa pangarap ko ikaw naman lahat naka-okupa.Nagmamahal,
Umaasa Jeya
BINABASA MO ANG
Mr. Hugutero (once broken)
PoetryHighest rank achieved-4th in poetry (October 21, 2018) Mga katagang sa sulat lang niya mailalahad nang buong-buo Mga emosyong kaytagal nang binaon at tinago-tago Bibigyan na ng tuldok ang lahat ng hinagpis at pait Iiwan na nang tuluyan ang mali at n...