Isa kang tala na naglalakad sa lupa
Nagniningning, kumikislap sa aking mga mata
Distansiya mo'y hindi imposibleng maabot ko
Ngunit aking pinipigilan pagkat ang layo ng agwat ko sa iyoIsa kang tao na parang gamit na mamahalin
Pinapangarap ko, hinahangad ng karamihan na maangkin
Hindi basta-basta, tanging mayaman lang ang pwedeng makakuha
At ang pangarap ko na ika'y maging akin, walang pag-asaIka'y yaring isang antigong gamit, pinag-aagawan ng karamihan
Iyong tipong, handang gawin ang lahat makuha kalang ng tuluyan
Mag-aksaya man ng pera, walang halaga sa kanila
Pagkat ang kanilang nais, makapiling ka sa tuwinaIsa kang tao na parang iphone ang presyo
Sila lang ang tanging Makaaaford sa iyo
Kutis mo pa lang walang sinabi ang kulay ko
Ika'y puti at ako naman ay kulay purong PilipinoIsa kang babasaging crystal kung kanilang itrato
Wala namang duda, iyon talaga ang nababagay sa iyo
Pinag-iingatan, inaalagaan nang lubusan
Hindi lang isa, halos yata buong bayan.At ako isa lang ang katotohanang alam ko
Ikaw, hindi dapat pinapangarap nang kagaya ko
Pagkat isa kang tao na dapat hanggang diyan lang sa kinalalagyan mo
At hindi pwedeng umalis, bumaba papunta sa estado ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Hugutero (once broken)
PoetryHighest rank achieved-4th in poetry (October 21, 2018) Mga katagang sa sulat lang niya mailalahad nang buong-buo Mga emosyong kaytagal nang binaon at tinago-tago Bibigyan na ng tuldok ang lahat ng hinagpis at pait Iiwan na nang tuluyan ang mali at n...