Kung pwede lang sana
Jeanebeth Nesperos
Kung pwede lang sana bumalik sa nakaraan
At pansamatala ko munang iwan itong kasalukuyan
Babalikan ko ang mga panahong tayo'y masaya pa
Wagas at dalisay ang pagmamahal sa isa't isa
Ako'y mananatili doon sandali
Nanamnamin ko muna ang saya na walang halong pighati
Habang kasama ka, tayo lang dalawa, walang iba
Sabay nating ipagpatuloy ang bukas na magkasama
Kung pwede lang sana na baguhin ko ang sagot sa katanungan noon
Yaong mga desisyong pinagsisihan ko ngayon
Isisigaw ko sayo ang pinili kong landas
Mamahalin kita na walang katumbas
Hindi ako mag-aalinlangan na ika'y piliin sana
Kung ang lahat ay nangyari ngayon at 'di nakalipas na
Ako'y nasa sapat na taong gulang na sana
Handa na nga akong pangatawanan na ikaw na talaga
Kung pwede lang sana na ang mga bagay sa mundo ay hindi kumukupas
Kasama na doon ang pangako nating tayo hanggang bukas
Walang naghihirap,walang nasasaktan
Bagkus tayo'y masaya, lalong pinagtitibay ang pagmamahalan
Kung pwede lang sana na manatili tayo sa nakaraan
'Di ko na gugustuhin pang bumalik sa kasalukuyan
Ngunit hindi, kailangan kong taggapin
Naglaho na nga ang pagmamahal mo para sa akin
BINABASA MO ANG
Mr. Hugutero (once broken)
PoetryHighest rank achieved-4th in poetry (October 21, 2018) Mga katagang sa sulat lang niya mailalahad nang buong-buo Mga emosyong kaytagal nang binaon at tinago-tago Bibigyan na ng tuldok ang lahat ng hinagpis at pait Iiwan na nang tuluyan ang mali at n...
