Sa aking mga Kabata
Jose P. RizalKapagka ang baya'y sadyang umiibig
sa kanyang salitang kaloob ng langit,
sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.Pagka't ang salita'y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian.
At ang isang tao'y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.Ang hindi magmahal sa kanyang salita'y
mahigit sa hayop at malansang isda,
kaya ang marapat ay pagyamaning kusa
na tulad sa inang tunay na nagpala.Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,
sa Ingles, Kastila sa salitang anghel,
sapagka't ang Poong maalam tumingin
ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.Ang salita nila'y tulad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.
BINABASA MO ANG
Mr. Hugutero (once broken)
PoesieHighest rank achieved-4th in poetry (October 21, 2018) Mga katagang sa sulat lang niya mailalahad nang buong-buo Mga emosyong kaytagal nang binaon at tinago-tago Bibigyan na ng tuldok ang lahat ng hinagpis at pait Iiwan na nang tuluyan ang mali at n...