Siya at ako

61 0 0
                                    

Mundo'y magkaiba, hindi tayo pareho
Mahal kita ngunit iba ang iyong gusto
Masakit man pakinggan
Ngunit iyon ang katotohanan
Walang tayo, walang ako sa buhay mo
Pero may siya
Siya na pinapangarap mo
Siya na bumubuo sa bawat araw mo
Siya na palaging mong kasama
Siya na inaasam-asam mong makapiling hanggang sa pagtanda
At ako na wala sa buhay mo
Ako na nagtitiyaga lang sa kaunting oras na ibinibigay mo
Ako na kumakapit sa kaunting pag-asang ipinapakita mo
Ako na walang ibang ginawa kundi ipagdasal ka
Na pangarapin mo sana na ako dapat ang iyong kasama
Sa bawat araw, sa bawat oras
Sa bawat minutong lumilipas
Napansin kong wala paring pagbabago
Nananatili paring SIYA ang nagiisang panalo
At ako hindi parin magkakaroon ng tiyansa na masabing minsang may tayo.
Dahil siya ay siya at ako ay ako lamang.

Mr.  Hugutero (once broken)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon