Ikaw, ako at siya
Sisimulan ko muna sa 'kin ang istorya
Ikaw, ikaw na una kong nakita sa lilim ng puno
Walang ibang ginawa kundi umiyak at 'di kumibo
Ako'y naawa sa iyo sa mga panahong iyon
Kahit hindi pa tayo magkakilala, pinilit kong kausapin ka
Pagaanin ang iyong loob at nang maging masaya ka
Hindi naman ako nabigo dahil ikaw ay ngumiti
Nakita ko kung paano kumurba ang iyong mga labi
At doon nga nagsimula ang pahina ko sa buhay mo
Ako itong nandyan lagi kapag iyong kailangan
Lalo na sa mga oras na ikaw ay nasasaktan
Ako ang palaging gumagawa ng paraan
Upang maayos ang problema mo at 'di na kana mahirapan
Kahit mahirap minsan, di ko ininda
Ang importante sa akin, makita kang masaya
Nakuntento na lang ako sa papel ko ngayon sa buhay mo
Pero nagbabasakali parin na balang araw magbabagoIkaw, ikaw na ginagawa ang lahat para sa kaniya
Parang ako sa buhay mo, 'yon ang posisyon mo sa buhay niya
Masaya ka na kapag nakita mo siyang masaya
Ako ang nasasaktan, ako ang nahihirapan para sa iyo
Pero ikaw, okay lang, ang importante
Nagkaroon ka ng oras na kayo'y magkatabi
Sa bawat oras ng inyong mga pagpaplanong pagkikita
Ako'y nasasaktan
Dahil alam kong sa huli wala siyang planong ika'y puntahan
Ikaw, ikaw na maagang pumupunta sa inyong usapan
Ikaw na hindi sinisipot nang babaeng laman ng iyong isipan
Sa loob ng ilang oras ikaw ay naghintay
Pero hindi mo lang alam mas higit pa doon ang aking iginugol
Kakalakad ko, kakatakbo sa likuran mo at nang ika'y mahabol
Pero kahit ganoon hindi ako nasayangan sa mga oras na aking inaksayahan
Dahil sa iyo ko naman nilaan, at sa puso ko na ikaw naman ang laman
Siya, siya na iyong sinisinta
Siya na hindi ikaw ang gustong makasama
Siya na ginagawa rin ang lahat para makapiling ang mahal niya
Siya na ikaw ang tatakbuhan kapag nasasaktan
Siya na laman ng iyong puso't isipan
Siya na Ginagawa ka lang pangalawa
Siya na hindi ikaw ang inuuna
Siya na may iba
Siya na malabo maging sa 'yo
At ikaw, ikaw na may siya
Ikaw na mahal na mahal siya
Ikaw na palaging siya ang inuuna
Ikaw na isang tawag lang niya iiwan mo na ako
Ikaw na palaging wala kapag kailangan ko
Ikaw na siyang priority ko
Ikaw na nagpapalakas ng pintig sa puso ko
Ikaw na nagbigay kulay sa madilim kong mundo
At ako, ako ngayon na kailangan ng pumili
Kung ano na ang susunod na mangyayari
Kung ako'y mananati pa,
O iwan ka muna pansamantala
Ako'y naguguluhan
Sarili ko, hindi ko maintindihan
Kailangan ko ng isang liwanag
Ngunit sa iyo, wala akong narinig ni isang paliwanag
Kaya sa aking pagpili ngayon
Ililihim ko nalang muna ang aking naging desisyon.
BINABASA MO ANG
Mr. Hugutero (once broken)
PoetryHighest rank achieved-4th in poetry (October 21, 2018) Mga katagang sa sulat lang niya mailalahad nang buong-buo Mga emosyong kaytagal nang binaon at tinago-tago Bibigyan na ng tuldok ang lahat ng hinagpis at pait Iiwan na nang tuluyan ang mali at n...